tren 1: hilera ng mga magkakadugtong na sasakyan sa riles na hinihila o itinutulak ng isang mákiná 2: anumang katulad na hilera
trench (trents) 1: mahabà, makipot, at malalim na hukay o kanal 2: hukay na ginagawâng kublihan ng mga sundalo.
trench coat (trénts kowt) : tíla kapoteng kasuotan ng sundalo na may padding at hindi tinata-gusan ng tubig.
Trent, Konseho ng (trent, kon•sé•ho nang) : konsehong ekume-niko ng simbahang Katoliko Romano na ginanap noong 1545–1563 sa Trent, hilagang Italy na may layuning tugunan ang hámon ng kilusang Repormasyon na pina-mumunuan ni Martin Luther sa Germany.