ú•na 1: sa tao o bagay, binanggit bago ang ikalawa o ikatlo 2: pangunahin 3: nagtatanghal ng pinakamataas o pangunahin sa dalawa o higit pang bahagi ng magka-tulad na instrumento o tinig
u•na•hán 1: ang nauuna sa isang hanay 2: pangharap na bahagi ng sasakyan, bagay na pahabâ, at katulad 3: habulán2
ú•nan : salalayan ng ulo kapag nakahiga, lalo na ang telang bag na tigib sa goma, balahibo, dayami, at ibang , malambot na palamán
ú•nang gí•nang 1: asawa ng pangulo 2: babae na nangunguna o natatangi sa isang partikular na larang o propesyon
ú•nang pa•na•ú•han : panauhan ng pang-halip na panao na tumutukoy sa táong nagsasalita, hal ako, akin, natin
ú•nang pa•ngá•lan : pangalang ibinibigay sa isang tao pagsilang o pagkabinyag at ginagamit o isinusulat bago ang apelyido
unanimous (yu•ná•ni•mús) 1: nagkakasundo lahat 2: sa opinyon, batas, at katulad, ginanap o binigyan ng bisà sa pamamagitan ng pangkalahatang kasunduan
ú•nat 1: pagtutuwid ng anumang baluktot, hal pag-unat sa bisig 2: kung sa damit at katulad, pag-aalis ng kulubot, hal pag-uunat ng palda sa pamamagitan ng plantsa 3: tubó
ú•nay 1: pagtiris ng kuto sa ulo mismo 2: pagsasáma-sáma at pagpapatúloy sa isang gawain 3: paggawâ ng bahay sa mga nakatayông haligi 4: pagtututok ng punyal sa dibdib at pagbabantâ 5: pagtuturo kung ano ang dapat gawin sa pamamagitan ng paggawâ muna sa itinuturo sa harap ng tinuturuan 6: pagtitipon ng mga kasapi ng isang samahán o bansa para sa isang bagay