volt : istandard na yunit ng puwersang electromotive, katumbas ng potential difference na maghahatid ng isang ampere ng koryente sa pamamagitan ng resistance ng isang ohm
voltaic (vol•téy•ik) : hinggil sa elektrisidad o koryente, lalo na ang likhang kemikal na reaksiyon, gaya sa baterya
voltameter (vol•tám•i•tír) : kasangkapang ginagamit na pansukat ng kantidad ng elektrisidad na dumaraan sa isang conductor
voltmeter (volt•mí•ter) : instrumentong pansúkat at ginagamit sa pagtáya ng potential difference sa pagitan ng dalawang púnto ng isang sirkitong elekriko