• -á•no
    pnl | [ Esp ]
    :
    pambuo ng pangngalan hinggil sa kinabibilángan o sa pinanggalingan, -á•na kung babae, hal probinsiyano, probinsiyana
  • a•nó
    png pnb
    1:
    ginagamit sa pangungusap na nagtatanong hinggil sa identidad, kalikasan, katangian, at kahalagahan ng isang bagay
    2:
    ginagamit sa pagpapahayag ng di-tiyak hal Walang ano-ano umulan.; Inano mo siya?; Kaano-ano mo siya?
    3:
    katumbas ng “kuwan” kapag hindi masabi ang nais tukuyin o ipahayag hal Si ano ang bumaril; Bumili ka ng ano