-ary


-ary (á·ri)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pang-uri at pangngalan, hal revolutionary : -ÁRI, -ÁRYO

ar·yá

png |[ Esp arriar ]
1:
paglalawit ang lubid, talì, o katulad
2:
pagpalò o paghampas upang itaboy
3:
pagtuloy sa isang balakin
4:
abánte1 — pnd ar·ya·hán, ar·ya·hín
5:
[ST] pagtatanggol o pagbabawal.

Ar·yá!

pdd |[ Esp arrear ]
:
bulalas na tumutukoy na ipagpatuloy o ituloy ang isang aksiyon o hakbang.

ar·yáp

pnd |ar·ya·pín, mag-ar·yáp |[ ST ]
:
magpausok o magsiga.

ár·yap

png |[ ST ]
:
pagpapausok o pagbomba ng gamot upang puksain ang mga kulisap tulad ng ipis, langgam, at iba pa : FUMIGASYÓN, FUMIGATION

ár·yat

pnr |[ Seb ]

ar·yé·te

png |[ Esp ariete ]
:
matandang kasangkapang militar na may bakal na ulo at ginagamit na pambayó upang sapilitang buksan ang makapal na pinto ng isang moog o palasyo.

-ár·yo

pnl |[ Esp -ario ]
:
pambuo ng pang-uri at pangngalan, -ár·ya kung babae, hal rebolusyonaryo, rebolusyonarya.

ar·yó·ga

png |[ ST ]
:
lamúyot 1-2 Cf ABYÓGA2

ár·yos

png |Bot |[ Iva ]
:
punongkahoy (Podocarpus costalis ) na laging-lungti at may bungang kasinlaki ng seresa ; tinatawag na punongkahoy ng Batanes.