-á·na
na-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng ma- na nangangahulugan ng pag-iral, hal nabúhay, namatáy Cf MA-
2:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng ma- na nangangahulugang aksiyon na naganap, hal nahulog, nalaglag, nasirà, nadurog Cf MA-
3:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng ma- at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig, hal nahuhulog, nalalaglag, nasisirà, nadudurog Cf MA-
na
pnr
1:
nagpapahayag ng kaganapan kapag kasunod ng isang pangngalan, hal Bagsak na; Abogado na siya
2:
nagpapahayag ng paglilipat o pagbabago ng pagganap ng isang gawain kapag sumusunod sa panghalip panao, hal Ako na; Ikaw na; Siya na.
na
pnk
1:
nag-uugnay sa pang-uri at pangngalan, hal matinis na boses; matangkad na laláki
2:
nag-uugnay sa pang-abay at pandiwa ; nagiging ng kung nagtatapos sa patinig ang sinusundang salita, hal mabilis na tumakbo; malabòng magsalita.
na
pnb
1:
[Bik Hil Kap Seb Tag War]
nagpapahayag ng kaganapan kapag sumusunod sa isang pandiwa, hal tapos na; yarì na
2:
nagpapahayag ng kaganapan ng aksiyon kapag kasunod ng isang pandiwang nása panahunang pangnagdaan, hal natulog na; bumilí na
3:
nagpapahayag ng kagyat o mabilisang pagkilos kapag sumusunod sa anyong pawatas at panahunang panghinaharap ng pandiwa, hal Pumasok na táyo; Ipinabibili ko na ang gamot.
nab
pnd |[ Ing ]
1:
dakpin ; hulihin ; arestuhin
2:
agawing bigla ; sunggaban.
na·bál
pnr |Mil Ntk |[ Esp naval ]
:
may kaugnayan sa mga barko, bapor o sasakyang-dagat na pandigma : NAVAL
Na·ba·yú·gan
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalinga.
na·be·ga·dór
png |[ Esp navegador ]
na·be·gas·yón
png |[ Esp navegación ]
1:
alinman sa mga pamamaraan ng pagtiyak o paghahanda sa posisyon at daloy ng sasakyang-dagat o panghimpapawid : NAVIGATION
2:
lakbáy o paglalakbáy : NAVIGATION
ñacanina (nya·ka·ní·na)
png |Zoo |[ Esp ]
:
ahas na malaki, makamandag, at ma-tatagpuan sa Argentina.
na·dí·yar
png |[ Mrw ]
:
panáta, panatà.
naevus (ní·vas)
png |[ Ing ]
:
nakaumbok na puláng bálat.
na·fá·ka
png
:
sa batas ng Islam, ang tulong na materyal o pinansiyal sa dependent para sa pang-araw-araw na gastusin, pabahay, pananamit, edukasyon, at pangangailangang medikal.
nag-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng mag-, hal nag-aral, nagluto, nagsayaw, nagsanay
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng mag- at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig, hal nag-aaral, nagluluto, nagsasayaw, nagsasanay
3:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng mag- na may dalawahan o maramihang tagaganap, at nangangahulugan ng aksiyong nanggáling sa iba’t ibang direksiyon, hal nagbanggâ, nagsalubong, nagkíta, nagtagpo
4:
pambuo ng pandiwang inuulit at may –an sa dulo, nagpapahayag ng arte lámang o hindi totoo, hal nagbabanal-banalan, nagsasakit-sakitan.
nag
png |[ Ing ]
1:
pangyayamot na may halòng paninisi at pang-uudyok
2:
múra o pagmumurá
3:
maliit na kabayong sasakyan
4:
mahinàng klase ng kabayong pangkarera.
ná·ga
png
1:
Bot
[Bik Seb Tag]
matigas at malakíng punongkahoy (Pterocarpus indicus ) na may kahoy na mainam gawing muwebles at bahagi ng bahay, dilaw ang bulaklak na may bungang bayna na iisa ang butó, katutubò sa Filipinas at Timog Silangang Asia, may dalawang subspecies sa Filipinas ang P. indicus subsp indicus na may makinis na bayna at ang P. indicus subsp echinatus na may maliliit na tinik ang bayna, kinikilálang Pambansang Punongkahoy ng Filipinas bagaman higit na ginagamit ang varyant ng pangalan na narra, isang korupsiyong bunga ng panahon ng Español : AGÁNA,
ASANÂ,
TÁGKA var narra
2:
Mit
[Kap Mrw Tag]
dragón1 ; inukit na dragón
3:
Ntk
[Bik Hil Seb Tag War]
disenyo sa prowa ng barko
4:
Bot
[ST]
isang uri ng palay.
Ná·ga
png |Heg
:
lungsod sa Camarines Sur at kabesera nitó.
nag·bí·tu·ín
png |[ ST ]
:
tapis na may disenyong bituing ginto.
nag·dó·lo
png |[ ST nag+dolo ]
:
kumot na may patseng iba-iba ang kulay.
nag·ha·há·ring-u·rì
png |Pol |[ nag+ha+hari+na-uri ]
:
sa Marxismo, pangkat ng tao na may pinakamataas na katayuang panlipunan, kinabibilangan ng mga mayayaman : PLUTOKRÁSYA3,
UPPER CLASS
nag·hóy
pnd |[ Kap Tag ]
:
pangnagdaan ng taghóy.
na·gí·ging
pnd
:
pangkasalukuyan ng maging.
na·gíng
pnd
:
pangnagdaan ng maging.
na·gí·sag
pnd |i·na·gí·sag, mag·na·gí· sag, na·gi·sá·gin |[ ST ]
:
guluhin ang buhok.
na·gis·nán
png |[ na+gising+an ]
:
pook o kaligiran na alam ng isang tao mula pagkabatà.
nag·ka-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magka- at nagpapakíta ng katangiang nangyari, naganap, o nagkaroon, hal nagkabisá, nagkaanák
2:
pangkasalukuyan ng magka-, na inuulit ang pantig na -ka- ng panlapi, hal nagkakabisá, nagkakaanak.
nag·lá·la·gá·re
pnr |[ nag+la+lagari ]
2:
mayroong magkakasabay na gawain o responsabilidad.
nag·lá·la·ngís
pnr |[ nag+la+langis ]
:
magbibigay ng regalo o pabor nang may inaaasahang kapalit Cf SIPSÍP
nág·nag
png |Med |[ Hil ]
:
paglilinis ng sugat bago lagyan ng gamot.
nag·pa-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpa- na nagpapakíta ng aksiyon at dahilan ng pagpayag sa ginawâ, hal nagpagawâ, nagpabili, nagpasok
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpa-, na inuulit ang pantig na -pa-, hal nagpapagawâ, nagpapabili, nagpapasok.
nag·pa·ka-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpaka- at nagsasaad ng pilit na pagganap o pagtupad, hal nagpakabuti, nagpakaligalig, nagpakabait
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpaka-, na inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal nagpapakabuti, nagpapakaligalig, nagpapakabait.
nag·pa·ra·tíng
png |[ ST nag+parating ]
:
pagdaragdag ; kasáma ang man saán, gaya sa “nagparating man saan ” ay nangangahulugang walang-hanggan.
nag·pa·ti-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magpati- na nangangahulugan ng marahas na aksiyong ginawa sa sarili, hal nagpatiwakal, nagpatihulog, nagpatibuhat.
nag·pó·tong
png |Bot |[ ST nag+potong ]
:
karaniwang bigas o palay.
nag·sa-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsa- na nangangahulugan ng pagganap o paggaya sa papel o tungkulin ng iba, hal nagsapagong, nagsaáso, nagsamanok.
nag·sik·sík
png |[ ST nag+siksik ]
:
uri ng galáng na solidong ginto.
nag·si·pag-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraang batay sa mag- na may maramihang tagaganap, at nagkakatulad sa katangian ng aksiyon, hal nagsipag-aral, nagsipagbása Cf MAGSIPAG-
nag·si·pag·pa-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsipagpa- na may maramihang tagaganap na nagsasaad ng utos, pagkuha, o pagpayag, hal nagsipagpagawâ, nagsipagpahintay.
nag·si·pag·pa·ka-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsipagpaka- na may maramihang tagaganap, hal nagsipagpakabuti, nagsipagpakagalíng.
nag·sú·hay
png |Bot |[ ST nag+suhay ]
:
uri ng palay.
nag·to·róng
png |[ ST nag+torong ]
:
uri ng banga.
ná·hat
pnr |[ ST ]
:
walâng-saysáy, laging ginagamit na may sinusundang “wala.”
na·hót
pnd |mag·na·hót, na·ho·tín, nu·ma·hót |[ ST ]
:
mag-unat ng metal upang gawing alambre.
na·hót
png |[ ST ]
:
paggawâ ng isang ba-gay sa paraang hindi mabagal at hindi rin gahol.
ná·hot
png |[ ST ]
:
pagsasaayos ng isang gawaing hindi gaanong mahusay.
naiad (ná·yad)
png |[ Ing ]
1:
Mit
sa mitolohiyang Griego, diwata sa tubig
2:
Bot
halámang-tubig (genus Najas ) na may makikitid na dahon at maliliit na bulaklak.
ná·ig
png |[ Ilk ]
:
tupi ng tela.
nailbrush (néyl·brash)
png |[ Ing ]
:
maliit na panghisò ng kuko.
nail file (neyl fayl)
png |[ Ing ]
:
maliit na kikil1-2 para sa kuko.