ma-


ma

png
1:
pinaikling máma
2:
tawag sa M sa abakadang Tagalog
3:
Zoo uri ng mollusk na may talukab na tíla kutamaya.

ma-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa, kadalasang nagtutuon sa nagpapakíta ng abilidad o kakayahang gawin nang kusa o sinasadya alinsunod sa kahulugan ng salitâng-ugat, hal makúha, madalá, mabása
2:
pambuo sa pandiwang palayón, nagsasaad ng pag-iral hal mabúhay, mamatay, maaarì Cf NA-1
3:
pambuo ng pandiwang palayón at nagsasaad ng aksiyong nagaganap sa tauhan, hal mahulog, malaglag, masirà Cf NA-2
4:
pambuo ng pandiwa at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang pantig, karaniwang nangangahulugan ng maaari o hindi maaari, hal mahuhulog, makakáya, masisirà Cf NA-3
5:
pambuo ng pandiwa, ginagamit sa salitâng-ugat at dinudugtungan ng hulaping -an, nangangahulugang magagawâ ang isang bagay, hal matamaan, masulatan, mabigyan
6:
pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng dami o kalidad, hal maganda, matipíd, mataás
7:
pambuo ng pang-uri o pang-abay alinsunod sa gamit bílang ekspresyon sa salitâng-ugat na nagpapakíta ng antas o asal, hal mayábang, malambing, malupít
8:
pambuo ng maramihang pang-uri o pang-abay kapag ikinabit sa salitâng-ugat at inuulit ang unang pantig nitó, hal maaaláhas, makúkuwarta, mayáyaman.

MA (em ey)

png daglat |[ Ing ]
:
Master of Arts.

ma·a·a·rì

pnr pnb |[ ma+a+arì ]
:
tumutukoy sa anumang posibleng umiral, maganap, magawâ, at iba pa : ARÁNG, BALÍN, HÁYAN, MABALÍN, MAHIMÒ, MALYÁRI, NAYÁRI, PUWÉDE, SARÁNG, UBRÁ Cf MARÁHIL

ma·a·a·sá·han

pnr |[ ma+a+ása+han ]
:
may kakayahang gumawâ nang mahusay at tapusin ito sa isang takdang panahon : DEPENDABLE, HARD9, RELIABLE, SURE2

ma·a·bi·li·dád

pnr |[ ma+abilidád ]
:
may kakayahang makahanap ng agarang solusyon sa problema : WÁIS1

ma·á·ga

pnr pnb |[ ma+aga ]
:
dumatíng o nangyari bago ang inaasahan o karaniwang oras : EARLY, MATÚTINÁL2, SAYÓ, TEMPRÁNO

ma·á·gap

pnr |[ Kap Tag ma+ágap ]
:
may agap o katangian ng agap : KAPARÁAN, NASALÚKAG, PROMPT2, TÚPTOP, ÚNTOP Cf ALÍSTO, MALIKSÍ, PUNCTUAL

ma·ak·lí·ngan

pnr |[ Kap ]

ma·a·la·bá·ab

pnr |[ Hil ]

ma·a·la·lá·ha·nín

pnr |[ ma+alalá+han+ in ]
:
nagpapakíta ng pagsasaalang-alang sa pangangailangan at damdamin ng iba : THOUGHTFUL

ma·á·lam

pnr |[ ma+alam ]
:
maraming alám : ERÚDITÓ1

ma·á·lat

pnr |[ ma+álat ]
:
punô ng alat : SALTY

ma·a·lin·sá·ngan

pnr |[ ma+alinsángan ]
:
may katangian ng alinsangan : ÍGANG

ma·a·li·wá·las

pnr |[ ma+aliwálas ]
:
may katangian ng aliwalas : CLEAR3, HAYÁHAY2, NICE2

ma·al·mán

pnd
:
varyant ng maláman.

ma·ál·mot

png |[ Kal ]
:
mandirigmang magiting at matapang.

ma·á·long

png |[ ST ]
:
pagpapakíta ng tapang.

ma·al·wán

pnr |[ ma+alwán ]
:
may katangian ng alwan : COMFORTABLE, KÓMODÓ, KOMPORTÁBLE

ma·ám-ma·á·big

pnr |[ Igo ]
:
maingat sa pagtupad ng mga pamahiin.

ma·a·mò

pnr |[ ma+amò ]
:
sa hayop, hindi mabangis o mailap, karaniwan dahil inaalagaan : AMÁK, DOMESTIKÁDO2, MANSÓ, TAME

ma·a·móy

pnr |[ ma+amóy ]
:
punô ng amoy, karaniwang hindi kanais-nais na amoy : ODOROUS2

má·an

png |[ Bik ]

má·ang

png
:
pagkukunwari na walang-alám o tunggak, gaya sa “magmaang-maangan.”

ma·ang·háng

pnr |[ ma+angháng ]
:
may angháng : HOT2, PIKÁNTE, SPICY1

ma·á·ni

pnr |[ ma+ani ]
:
tigib sa ani.

ma·a·nó

pnd |[ ma+ano ]
1:
repleksibo na nangangahulugang magkaroon o maganap ang anuman, hal máanó, naanó
2:
pantulong na pandiwa at kadalasang may ng na nagsasaad ng isang kahilingan, hal “Maanong yumaman ka na!” Cf HÁRIMANAWARÌ, NAWÂ
3:
ginagamit sa mga idyomatikong ekspresyon ng pagwawalang-bahala na kadalasang sinusundan ng kung, hal “Maanó kung mayaman sila!”
4:
sa mga probinsiya ng Quezon, Marinduque, Mindoro at ibang pook sa Batangas, karaniwang ipinampapalit sa Kumustá, hal “Maano ka na?”

Ma·á·no!

pdd |[ ma+ano ]
:
nagpapahayag ng pagwawalang bahala at pagpipilit ng gusto var Máno!

ma·á·pon

png |Bot
:
uri ng itim na funggus.

ma·á·pon

pnr |[ ST ]
:
salitâng Ilonggo, maitim, katamtaman ang laki.

ma·a·póy

pnr |[ ma+apóy ]
:
punô ng apoy Cf IGNEOUS1

ma·ár·te

pnr |[ ma+árte ]
:
punô ng arte, karaniwang tumutukoy sa mapag-malabis na paggamit ng sining o kayâ’y artipisyal na ugali.

ma·á·sim

pnr |[ ma+ásim ]
:
punô ng asim : AMÓY-PÁWIS, LALÀ, SOUR

Ma·á·sin

png |Heg
:
kabesera ng Southern Leyte.

ma·at·bíng

pnr |[ ST ]

ma·a·wa·ín

pnr |[ ma+awà+in ]

ma·á·yo

pnr |[ Hil Seb ma+ayo ]

ma·á·yos

pnr |[ ma+áyos ]
:
nása ayos o tahimik : AHUSTÁDO1

ma·ba·bà

pnr |[ ma+babà ]
:
kulang sa kailangang halaga, taas, o sukat Cf MÚRA

ma·ba·bàng ka·pu·lu·ngán

png |Pol |[ ma+babà+ng ka+púlong+an ]
:
isa sa kapulungan ng batasang bikame-ral, karaniwang binubuo ng mga kinatawan mula sa distritong lokal : KÁMARÁ DE REPRESENTÁNTES Cf HOUSE OF REPRESENTATIVES

ma·ba·bàng-lo·ób

pnr |[ ma+babà+ ang+ lob ]
:
may kababaang-loob : HUMBLE, UMÍLDE

ma·ba·bàng pa·a·ra·lán

png |[ mababà+ na+paaralan ]
:
ang pinakamababàng antas ng pag-aaral na nagbibigay ng pormal na mga instruksiyon at mga tuntunin ng pag-aaral, karaniwang mulang anim hanggang walong taon : ELEMENTÁRYA3, ELEMENTARY SCHOOL, PÁARALÁNG ELEMENTÁRYA

ma·ba·ba·rar·gâ

pnr |[ Mrw ]

ma·bá·baw

pnr |[ ma+bábaw ]
1:
kulang sa lalim : SHALLOW
2:
walang lamán ang sinasabi.

ma·bá·gal

pnr |[ ma+bágal ]
:
kumikilos o ginawâ nang hindi mabilisan : DILATÓRYO2, MALÍWAG, MASÁGAL, SLOW1

ma·bag·sík

pnr |[ ma+bagsík ]
:
may angking bagsik.

ma·ba·há·la

pnd |[ ma+bahála ]
:
isipin o isangkot ang sarili sa isang problema.

ma·ba·hò

pnr |[ ma+bahò ]
:
may katangian ng bahò, dahil hindi sariwa o matagal nang patay : ÁLOT3, FOUL1, AMÓY-BÁBOY, DUGDÓG

ma·ba·ít

pnr |[ ma+bait ]

ma·ba·lín

pnr |[ Ilk ]

ma·bál·yan

png |Mit |[ Bag ]
:
mga babaeng pinahihintulutang gumawâ ng pelangi sa ilalim ng pangangalaga ni Bait Pandi.

ma·ba·ngís

pnr |[ ma+bangis ]
:
may angking bangis at nasanay sa ugaling ilahas : AMUHÒ2, SALBÁHE1, SIMARÓN Cf SAVAGE

ma·ba·ngó

pnr |[ ma+bangó ]
:
may bangó : AMÓY-SANGGÓL, SCENTED

ma·ba·ro·rón

png |Bot |[ ST ]
:
maliit na punongkahoy na higit na malambot at maputî ang pinakakatawan.

ma·bat·tú·lay

pnr |[ Ilk ]

ma·bá·ya

pnr |[ Iva ]

ma·bá·yang-loób

pnr |[ ST ]
:
mahinahon ang pag-iisip, at mahinay.

mab·ba·lò

png |[ Iba ]

máb·dos

pnr |[ Hil Seb ]

ma·béng

pnr |[ Pan ]

ma·bi·gát

pnr |[ ma+bigát ]
:
may angking bigát : HEAVY1

ma·bi·láy

pnr |[ Pan ma+biláy ]

ma·bi·lís

png |Gra |[ ma+bilís ]
:
paraan ng pagbigkas ng salitâ na tuloy-tuloy hanggang hulíng pantig, hal talóng, tutubí, sapín-sapín.

ma·bi·lís

pnr |[ ma+bilís ]
:
kumilos nang may bilis o tinapos ang isang gawain sa pinakamaikling panahon : ASÁK-ASÁK, FAST1, MADALÎ2, QUICK1, SAGADSÁD2

má·bi·lí·san

pnr pnb |[ ma+bilis+an ]
1:
gumawâ nang nagmamadali : DAGLÌAN, ÉKSPRES, EKSTÉMPORANEÓ1, ÉSPONTÁNEÓ3
2:
kailangang gawin sa madalîng panahon : DAGLÌAN, ÉKSPRES, EKSTÉMPORANEÓ1, ÉSPONTÁNEÓ3

Mabini, Apolinario (ma·bí·ni a·po·li· nár·yo)

png |Kas
:
(1864–1903) tinaguriang Utak ng Himagsikang Filipino at nagsilbi bílang pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo.

ma·bi·nì

pnr |[ ma+binì ]

ma·bi·sà

pnr |[ ma+bisà ]
:
punô ng bisà : EFFECTIVE, EPEKTÍBO, EPIKÁS

mab·lí

pnr |[ Pan ]

ma·bó·lo

png |Bot
:
varyant ng mabúlo.

ma·bó·lot

png |[ Kal ]
:
mandirigmang nakapatáy ng limáng tao at may karangalang magsuot ng puláng damit na tininà sa pamamaraang tritik.

mab·sî

pnr |[ Kap ]

ma·bu·há·ngin

png |Bot |[ ST ma+buhángin ]
:
isang uri ng damo.

Ma·bú·hay!

pdd |[ ma+búhay ]
:
bulalas ng pagbatì sa pagdatíng at tagumpay : AVE!, HAIL!

ma·bú·lo

png |Bot |[ Hil Ilk Seb Tag War ]
:
punongkahoy (Diospyros philippinensis ) na katutubò sa Filipinas, maitim ang kahoy, bilóg ang mabangong bunga na kulay pulá, at may pinong balahibo : TÁLANG3 var mabólo Cf KAMAGÓNG1

ma·bú·ti

pnr |[ ma+búti ]
1:
punô ng buti kung tungkol sa kalagayan : BIYÉN, GOOD, MAÁYO, MAÚPAY, MÁYAD, MÁYAP, WELL1
2:
may katangiang matulungin, maawain, at katulad : BIYÉN, GOOD, KIND, MAÁYO, MABAÍT, MAÚPAY, MÁYAD, MÁYAP, WELL1

ma·bu·ting·tíng

pnr |[ ST ma+butingting ]

Macao (ma·káw)

png |Heg |[ Ing Por ]
1:
teritoryong dáting sakop ng Portugal at matatagpuan sa Timog China
2:
ang pantalán at kabesera ng naturang pook

macaque (ma·kák)

png |Zoo |[ Ing ]
:
unggoy (genus Macaca ) na katamtaman ang lakí at may mahabàng mukha.

macaroni (ma·ka·ró·ni)

png |[ Ing Ita ]

macaroon (má·ka·rún)

png |[ Ing ]
:
keyk o biskuwit na gawâ sa putî ng itlog, asukal, at dinikdik na almond o kinayod na niyog.

Macau

png |[ Ing Por Macao ]
:
tawag sa ilang bagay na Chino : MACAO3

macaw (ma·kó)

png |Zoo |[ Ing ]
:
lorong (genus Ara ) malakí at may mahabàng buntot na matitingkad ang kulay, karaniwan sa Gitna at Timog America.

Maccabee (má·ka·bí)

png |Kas |[ Ing Heb Lat ]
1:
kasapi o tagapagtaguyod ng pamilyangng mga Jewish na naghimagsik laban sa haring Seleucid noong 167 BC sa pangunguna ni Hudas Maccabeo ng Hudea
2:
apat na aklat ng kasaysayan at teolohiya ng mga Jewish.

mace (meys)

png |[ Ing ]
1:
kawani ng opisina
2:
mabigat na pampalòng may metál na dulo at espiga.

machete (ma·tsé·ti)

png |[ Esp ]

machiavellian (mák·ya·bél·yan)

pnr |Pol |[ Ing Ita Nicollo Machiavelli+an ]
:
bansag sa kilos pampolitika na hindi nagsasaalang-alang sa kinagisnang moralidad.

machine (ma·syín)

png |[ Ing ]

machine gun (ma·syín gan)

png |Mil |[ Ing ]

machinery (ma·syí·ne·rí)

png |[ Ing ]

machinist (má·syi·níst)

png |[ Ing ]

machismo (ma·tsís·mo)

png |[ Ing Esp ]
:
labis na paggigiit ng pagkalaláki.

macho (má·tso)

png |[ Esp ]
:
tao na lubhang ipinagpaparangalan ang pagkalaláki.

mackerel (mák·ke·rél)

png |Zoo |[ Ing ]
:
isdang-alat (family Scombridae ) na may asul at lungting katawan Cf TAMBÁKOL, TULÍNGAN

macrame (má·kra·méy)

png |Sin |[ Ing ]
1:
sining ng pagtatalì ng sintas para makagawâ ng dekorasyon
2:
dekorasyong gawâ sa ganitong pamamaraan.

macro (mák·ro)

png |Com |[ Ing ]
:
serye ng mga instruksiyong awtomatikong tumutungo sa iba pang set ng mga instruksiyon upang makagawâ ng isang tiyak na gawain.

macrocarpa (mák·ro·kár·pa)

png |Bot |[ Ing Gri makro+karpos ]
:
punongkahoy (Cupressus macrocarpa ) na karaniwang itinata-nim upang magsilbing bakod.

macrocosm (mák·ro·ká·sam)

png |[ Ing ]

macroeconomics (mák·ro·í·ko·nó·miks)

png |Ekn |[ Ing ]

macrophage (mák·ro·féyds)

png |Ana Bio |[ Ing ]
:
malakíng phagocytic cell na natatagpuang nása walang tinag na anyo sa loob ng mga tissue o bí-lang kumikilos na putîng blood cell, lalo na sa mga pook ng impeksi-yon.