• A•raw ng Ka•sa•rín•lan
    png | [ araw ng ka+sarili+an ]
    :
    pambansang pagdiriwang ukol sa pagpapahayag ng kalayaan ng Filipinas, dáting ginaganap tuwing 4 Hulyo, at kasalukuyang ginaganap tuwing 12 Hunyo
  • A•ráw a•ráw!
    pdd | [ Hil ]
    :
    tumangging maniwala kahit tunay ang pangyayari
  • A•raw ng Pa•sa•sa•lá•mat
    png | [ araw ng pa+sa+salamat ]
    :
    itinakdang araw para sa pambansang pasasalamat
  • A•raw ng Pag•hu•hu•kóm
    png | [ araw ng pag+hu+hukom ]
    :
    sa Bibliya, araw ng hulíng paghuhukom ng Diyos sa sangkatauhan sa pagwawakas ng mundo
  • A•raw ng Ka•gi•tí•ngan
    png | [ araw ng ka+giting+an ]
    :
    pambansang paggunita sa kabayanihan ng mga nakipaglaban sa mga Hapon, itinaon sa araw ng pagsuko ng Corregidor at ginaganap tuwing 6 Mayo
  • A•raw ng mga Pa•táy
    png
    :
    pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawâ tuwing 1 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod
  • A•raw ng mga Pú•so
    png
    1:
    araw ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. Valentine, ang patron ng mga magkasintahan, na ginaganap tuwing 14 Pebrero
    2:
    araw ng mga magkasintahan
  • A•raw ng mga Ba•yá•ni
    png
    :
    pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng araw ng Agosto
  • ng (nang)
    pnu
    1:
    ginagamit sa pagpapahayag ng kaukulang paari, hal bubong ng bahay
    2:
    ginagamit na pananda sa kaganapan ng layon ng pandiwa, hal “bumili ng tinapay,” “binigyan ng pera”
    3:
    ginagamit na panandang tagaganap ng pandiwang palipat kung hindi ito pangalan ng tao; katapat ng pang-ukol na ni o nina, hal “isinulat ng aming guro,” “ipinalimbag ng patnugot”
  • ng (nang)
    pnt
    1:
    pananda ng pangalawang tuwirang nilalayon ng pandiwang palipat hal “mag-alaga ng baboy”
    2:
    titik na ipinapalit sa pangatnig na na at pahulaping iniaangkop sa unang salita ng dalawang pinagkakatnig hal “talang maliwanag” sa halip na “talà na maliwanag.”
  • ka•sa•rin•lán
    png | Pol | [ ka+sarili+an ]
    :
    kakayahang mabúhay mag-isa ng isang kapisanan, lipunan, o bansa, karaniwan dahil may malayang pamahalaan, sariling kabuhayan, at hindi nakapailalim sa ibang kapisa-nan, lipunan, o bansa
  • á•raw
    png
    1:
    pinakasentrong bituin ng sistemang solar na iniinugan ng mga planetang tumatanggap ng init at liwanag nitó, may 150 milyong km ang layò mula sa daigdig
    2:
    panahong mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nitó; kasalungat ng gabí
    3:
    init nitó
    4:
    panahong binubuo ng 24 oras
    5:
    ang bawat isa sa pitóng bahagi na bumubuo sa isang linggo na may kani-kaniyang pangalan; Lunes, Martes, Miyerkoles, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo
    6:
    kapanganakan o anibersaryo2
    7:
    panahon ng pananaig o pamamayanì
  • ng (en dyi)
    daglat pnb
    :
    ng gabi; oras pagkaraan ng ikaanim ng hapon at bago ang hatinggabi
  • sam•pón ng
    pnu
  • Ma•hál na Á•raw
    png
    :
    isang linggo ng paggunita sa mga hulíng araw ni Hesus hanggang Linggo ng Pagka-búhay
  • A•nak ng pú•ta!
    pdd | [ Tag anak ng Esp puta ]
    :
    múra bunga ng gálit at matinding damdamin
  • La•wà ng Ba•í
    png | Heg
    :
    malaking lawà sa Laguna, tinawag ding Laguna de Bay (Baí) noong panahon ng Espanyol at napagkamalang Laguna Bay noong panahon ng Amerikano
  • A•nak ng tú•pa!
    pdd
    :
    hibas para sa Anak ng puta!
  • Pas•ko ng Pag•ka•bú•hay
    png | [ Esp pasca Tag ng pagka+búhay ]
    :
    pana-hon ng pagdiriwang sa muling pagkabúhay ni Kristo
  • pag•pa•pláno ng pa•míl•ya
    png | [ ag +pa+plano ng pamilya ]
    :
    praktika o paraan ng pagkontrol sa bílang ng mga anak ng pamilya at sa pagitan ng kanilang pagsilang karaniwan sa pamamagitan ng artipisyal na kontrasepsiyon
  • tróm•pa ng e•le•pán•te
    png | Bot | [ Esp trómpa Tag ng Esp elefante ]
    :
    maba-lahibong yerba (Heliotropium indicum), 50 sm ang taas, may mali-liit na bulaklak sa isang panig ng mahabà at pakurbang dulo na tangkay.
  • e•dád ng ma•yór•ya
    png | Bat | [ Esp mayor de edád ]
    :
    wasto o hustong gúlang; karaniwang dalawampu’t isang taóng gulang pataas ngunit sa ilalim ng kasalukuyang batas ng Filipinas, labingwalong taóng gúlang pataas
  • Ling•gó ng Pa•las•pás
    png | [ Esp Do-mingo Tag ng palaspas ]
    :
    ang Ling-go na ipinagdiriwang ang mata-gumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem
  • a•la•gád ng sí•ning
    png | Sin
  • a•la•gád ng ba•tás
    png
  • Trent, Konseho ng (trent, kon•sé•ho nang)
    png | [ Ing ]
    :
    konsehong ekume-niko ng simbahang Katoliko Romano na ginanap noong 1545–1563 sa Trent, hilagang Italy na may layuning tugunan ang hámon ng kilusang Repormasyon na pina-mumunuan ni Martin Luther sa Germany.
  • Ling•go ng Pag•ka•bú•hay
    png | [ Esp domingo Tag ng pagkabuhay ]
    :
    tau-nang pista ng mga Kristiyano bílang pagdiriwang sa muling pagkabúhay ni Hesukristo; ipinagdiriwang tuwing unang Linggo, pagkatapos ng unang kabilugan ng buwan, pag-katapos ng vernal equinox
  • pag•la•la•rô ng a•póy
    png
    :
    pagtataksil sa asawa.
  • Á•wit ng mga A•wit
    png
    :
    Awit ni Solomon
  • regular at peryodikong pagkakaa-yos ng mga atom, ion, o molecule sa isang solidong kristalina.
    png | Bot
    :
    uri ng saging