• Dá•gat Pa•táy
    png | Heg
    :
    lawà na may tubig-alat at nása hanggáhan ng Israel at Jordan
  • dá•gat
    png | Heo | [ Akl Bik Hil Seb Tag Tau War ]
    :
    malawak na tubig alat na bumabálot sa malakíng bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan
  • pá•tay
    pnr | [ Hil Pan Seb Tag War ]
    :
    mabagal kumilos
  • pa•táy
    png | [ ST ]
    1:
    [pag+ patay] pag-aalis ng búhay sa isang tao, hayop, o haláman
    2:
    [pag+ patay] pagdudulot ng wakás sa anuman, gaya ng pagpapahinto ng tulo ng gripo, pagsasara ng bombil-ya, pagsugpo sa apoy o súnog, o pag-bigo sa pangarap o layunin
    3:
    habi na ginagawâ sa banig o sombrero na gawâ sa palma.
  • Dá•gat Tsí•na
    png | Heg
    :
    dagat na bahagi ng Pasipiko at nása hanggahan ng Tsína
  • Dá•gat I•tím
    png | Heg
    :
    dagat sa pagitan ng Europa at Asia at nahahanggahan ng Turkey, Romania, Bulgaria, at Unyong Sobyet
  • Dagat Adriatico (dá•gat ad•ri•yá•ti•kó)
    png | Heg | [ Esp Tag dagat adriatico ]
    :
    isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Italy at tangway Balkan
  • Dá•gat Pu•lá
    png | Heg
    :
    dagat sa pagitan ng Egypt at Arabia
  • Dágat Caribbean (dá•gat ká•ri•bí•yan)
    png | Heg | [ Ing Tag dágat Caribbean ]
    :
    bahagi ng Karagatang Atlantiko na nása pagitan ng Antilles at ng Gitnang Timog Amerika
  • Dágat Celebes (dá•gat sé•le•bés)
    png | Heg | [ Ing Tag dagat Celebes ]
    :
    bahagi ng Pasipiko sa pagitan ng Celebes at Filipinas
  • Dágat Aegean (dá•gat i•dyí•yan)
    png | Heg | [ Ing Tag dagat Aegean ]
    :
    isang panig ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng Gresya at Turkey
  • Dá•gat Su•la•wé•si
    png | Heg | [ Ind ]
    :
    Dágat Celebes
  • Dágat Caspian (dá•gat kás•pi•yán)
    png | Heg | [ Ing Tag dagat Caspian ]
    :
    lawà na may tubig-alat na nása pagitan ng timog-silangang Europa at Asia
  • Dá•gat Me•di•te•rá•ne•ó
    png | Heg | [ Esp Tag dagat Mediterraneo ]
    :
    dágat na napalilibutan ng Europa, Africa, at Asia
  • Dágat Ionian (dá•gat a•yó•ni•yán)
    png | Heg | [ Ing Tag dagat Ionian ]
    :
    isang panig ng Dagat Mediteraneo sa timog Italy, silangang Sicily, at Gresya
  • pa•táy ang bu•wán
    png
    :
    gabi na wa-lang buwan.
  • A•raw ng mga Pa•táy
    png
    :
    pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawâ tuwing 1 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod