Dela Cruz, Jose (de•lá kruz, ho•sé) : pangunahing makata sa Maynila noong ika-19 na siglo at itinuturing na awtor ng maraming popular na awit at korido; binansagang “Huseng Sisiw.”
Luna, Juan (lú•na hu•wán) : 1857-1899, unang Filipinong pintor na nagkamit ng unang gantimpala sa pintura sa labas ng bansa sa pamamagitan ng obra maestrang Spoliarium
Juan Tamad (hu•wán ta•mád) : tauhan sa kuwentong-bayan na nagiging tampulan ng katatawanan dahil sa katamaran
Don Juan Tiñoso (don hu•wán tin• yó•so) : napakakisig na prin-sipe at tauhan sa metriko romanse, nagkunwang matanda at may ketong