Karagatang Indian (ka•ra•ga•táng ín•dyan) : karagatang napali-ligiran ng Aprika, Asia, Australia, at Antartica
Indian (ín•dyan, ín•di•yán) 1: mamamayan o katutubò ng India 2: Katutubòng Amerikano; kasapi ng katutubòng pangkat ng mga tao sa Amerika at Caribbean 3: anumang hinggil sa India, Amerika-nong Indian, o Katutubòng Indian
indian ink (ín•di•yán ink) 1: itim na kulay na gawâ sa China at Japan 2: tinta na itim ang kulay, ginagamit lalo na sa pagguhit at teknikal na ilustrasyon
indian tree (in•di•yán tri) : punongkahoy (Polyalthia longifolia), tumataas hanggang 15 , m, tuwid ang bungéd, at may sunod-sunod na sangang nakalaylay
Ka•ra•ga•táng At•lán•ti•kó : pinakamalakíng karagatan na bumabagtas mula Arctic hanggang Antarctic at nása pagitan ng Europa at Aprika sa isang panig, at ng Ame-rika sa kabilâng panig
indian mango (in•di•yán máng•go) : uri ng mangga na may bungang maliit, at karaniwang kulay lungti ang lamán at balát
Ka•ra•ga•táng Pa•sí•pi•kó : karagatang naghihiwalay sa mga kontinenteng Amerika, Asia, at Aus-tralia, at nása pagitan ng Karagatang Artiko at Karagatang Antartiko
indian summer (in•di•yán sá•mer) : panahon na labis ang init at tuyo ang simoy at nagaganap minsan sa hulíng bahagi ng taglagas