libra
Líb·ra
png |Asn |[ Lat ]
1:
ikapitong simbolo ng zodyak at pinapasok ng araw mula 23 Setyembre hanggang 22 Oktubre ; tao na ipinanganak sa panahong ito
2:
konstelasyong kinakatawan ng timbangan.
lib·rán·sa
png |Kom |[ Esp libranza ]
:
tseke ng isang bangko na naglalabas ng sariling pondo para sa ibang bangko : BANK DRAFT
librarian (lay·brár·yan)
png |[ Ing ]
1:
tao na nagsánay sa mga kaalamán at mga pamamaraan ng paglilingkod sa aklatan
2:
namamahala o naglilingkod sa isang aklatan.