• li•pà
    png
    1:
    [ST] pagkahilo há-bang naglalakad
    2:
    lupang tíla aspalto na ginagawâng pantambak sa silong ng bahay.
  • Li•pá
    png | Heg
    :
    lungsod sa Batangas.
  • li•pá
    png | Bot
    :
    punongkahoy (Laportea moyeniana) na may dahon na biluhaba at mabalahibo ang iba-bâng bahagi ng rabaw kayâ nagdudulot ng katí sa balát
  • lí•pa
    png | Zoo | [ Ifu ]
    :
    inahing manok na nakapamisâ ng unang sisiw nitó.