nagpapahayag ng kaganapan kapag sumusunod sa isang pandiwa, hal tapos na; yarì na
2:
nagpapahayag ng kaganapan ng aksiyon kapag ka-sunod ng isang pandiwang nása panahunang pangnagdaan, hal natulog na; bumilí na
3:
nagpapahayag ng kagyat o mabilisang pagkilos kapag sumusunod sa anyong pawatas at panahunang panghinaharap ng pandiwa, hal Pumasok na táyo; Ipinabi-bili ko na ang gamot
pambuo ng pang-uri at nag-sasaad ng kaliitan ng bílang, dami, o halaga ng anuman, hal kapiraso, kaikli
2:
pambuo ng pang-uri na nagbibigay-diin sa antas nitó at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o –han; ginagamit kasáma ng hindi o di , at ipinapalagay na isang pang-alipusta, hal “Di kágalingan ang pagkakágawâ.”
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng kilos na katata-pos lámang, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kaáalís, kagágawâ
2:
pambuo ng pandiwang balintiyak, nagpapahi-watig ng saloobín o damdamin, at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng -an o -han, hal kaawaán, katuwàan
3:
pambuo ng pandiwa na inuulit upang magbigay-diin at magpahi-watig ng hindi inaasahang kilos, hal kabása-bása niya sa diyaryo
4:
pambuo ng pandiwa at nagpapahi-watig ng pag-uulit o pagpapatúloy sa gawain, na may pag-uulit sa unang pantig ng pandiwa, hal kásasalitâ, kásusúlat
5:
pambuo ng pandiwa, nagpapahiwatig ng kilos na higit sa karaniwan, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o –han, hal Kátaasán mo ang pagsabit ng talì
sa sinaunang Ehipto, pinaniniwalaang espiritwal na bahagi ng isang indibidwal na tao o diyos na nabúhay, at may kakaya-hang manatili sa estatwa ng nama-tay na tao
pambuo ng pangngalan at nangangahulugang kapuwa o kasá-ma sa isang gawain, hal kakláse, katrabáho
2:
pambuo ng pangnga-lan at nagpapahayag ng relasyon o pagkakasapi, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kababatà, kababáyan
3:
pambuo ng pangngalan at nagpapahiwatig ng kaisipang pagpapatúloy sa mabuting samahán, na may pag-uulit sa salitâng-ugat, hal kalaró-larô, kasáma-sáma
4:
pambuo ng bagong pang-ngalan mula sa pang-uring salitâng-ugat upang idiin ang pag-aari, katangi-an, o pagiging abstrakto, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal kahirápan, kadakilàan
5:
pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng resiprosidad, pagkakasabay ng kilos, o kolektibong samahán, at karani-wang dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal káliwàan, kátuwàan
mataas na palumpong (Clerodendrum quadriloculare), kulay lila ang tangkay at may pumpon ng bulaklak sa dulo ng tangkay na kulay putî o mapusyaw na pink ang korola at 4 m ang taas.
uri ng dapò (Grammatophyllum scriptum) na may malalaki at maugat na tangkay, malaki ang bulaklak na kulay mapusyaw na lungtian o dilaw, katutubò sa Filipinas, bukod sa G. scriptum, isa pang katutubong espesye sa Filipinas ang G. speciossum na tinaguriang “Reyna ng Orkidya ng Filipinas” dahil isa sa pinakamalaking orkidya na may tíla garing na putîng bulaklak.
uri ng pangatnig na ginagamit sa tambalang pangungusap na ang unang bahagi ay sinasalungat ng ikalawa, halGusto ko sanang makarating sa inyo, ngunit wala akong makasáma.
itlog ng itik na nilaga at ibina-bad sa tubig na may asin, karani-wang kinukulayan ng pulá ang balát para maiba sa ibang itlog ng manok kayâ tinatawag ding itlog na pulá
uri ng pangatnig na ginagamit sa pagkukurong pasumala, mga isipang may pasubali at mga pangungusap na pasakali o hindi ganap at nangangailangan ng tulong ng kapuwa pangungusap upang mabuo at makaganap sa kapararakan, halKung hindi ka sasáma, hindi kami tutuloy.
uri ng pangatnig na ginagamit kung sa dalawa o ilang bagay at isipan, ang isa ay ibig itangi sa iba; may anyong patanggi o pasalungat, halNi ako ay di niya naaalala, ikaw pa kaya?