pasyon


pas·yón

png |Lit |[ Esp pasion ]
:
anyo ng saknong na may limang taludtod, sukat na wawaluhin, tugmang isahan, at ginamit sa popular na bersiyon ng Pasyon.

Pas·yón

png |Lit |[ Esp pasion ]
1:
aklat ng kasaysayan ng mga paghihirap ni Hesukristo, karaniwang binabása nang pakanta kung Kuwaresma o Mahal na Araw
2:
ang kasaysayang ito.

pas·yo·nár·yo

png |Bot
:
baging (Passi-flora edulis ) na malapad ang dahon at may bungang kahawig ng kundol ngunit maliit kaysa rito, katutubò sa Brazil : FLOR DE PASION, MIRAFLÓR

pas·yo·nár·yong ma·ba·hò

png |Bot |[ pasyonaryo+na mabaho ]
:
baging (Passiflora foetida ) na tíla halámang damo, habilog na tulís ang dahon, mapintog ang bunga, at may napaka-sangsang na amoy, katutubò sa tropi-kong America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : STINKING PASSION FLOWER