rio
Rio Grande de Mindanao (rí·yo grán·de de min·da·náw)
png |Heg |[ Esp ]
:
pinakamalaking ilog sa katimugang Filipinas, umaabot sa 320 km ang habà, at nagsisimula sa hilagang silangang Mindanao hanggang sa timog ng Butuan at tinatawag doong Ilog Pulanggi, dumadaloy upang sumanib sa Ilog Kabacan at nagiging Ilog Mindanao. Mula sa kabundukan, nagiging sentro ito ng malawak at mayamang lupain sa timog gitnang bahagi ng Mindanao hanggang magtapos sa Golpong Moro Cf ÍLOG MINDANAO,
ÍLOG PULANGGI
riot (rá·yot)
png |[ Ing ]
1:
maingay at marahas na kaguluhang publiko na likha ng isang pangkat, gaya ng isang pangkat na nagproprotesta sa kalabang pangkat o patakaran ng pamahalaan
2:
bigla at malakas na halakhakan
3:
maingay at masayang pagkakatuwaan
4:
marangyang pagtatanghal o pagdiriwang.