ní•no : ibang anyo ng kaníno; ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pagmamay-ari, at isinusu-nod sa pangalan ng itinatanong, hal Bahay nino ito?
sán•to 1: sa Katoliko Romano, tao na idineklarang banal ng simbahan 2: titulo ng isang santo o arkanghel 3: imahen o larawan na makikíta sa simbahan at tahanan ng mga Katoliko
Bi•yér•nes Sán•to : sa mga Kristiyano, ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabúhay at gumugunita sa pagkakapakò sa krus ni Kristo; tradisyonal na araw ito para sa pag-aayuno at penitensiya
El Niño (el nín•yo) : iregular na serye at masalimuot na pagbaba-go ng klima na nakaaapekto sa rehiyong Pasipiko malapit sa ekwador