A, a 1: unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey 2: una sa isang serye o kaayusan 3: grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod 4: pasulát o palimbag na representasyon ng A o a 5: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a 6: tipo ng dugo ng tao 7: a ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor b ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la c nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito d eskala o key na nakabatay sa notang ito 8: sukat ng sapatos, higit na maliit sa B 9: cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
bi•ta•mí•na A : alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata
Te Deum (ti dyum) 1: a himno na nagsisimula sa Te Deum laudamus, nangangahulugang “Pinupuri ka namin, O Diyos,” inaawit kapag may natatanging okasyon gaya ng pasasalamat b musika para dito 2: pahayag o bula-las ng pasasalamat.
a priori (a•pra•ór•i) 1: mula sa dahilan túngo sa epekto; mula sa isang pangkaraniwang batas túngo sa partikular na pangyayari at balido kahit walang batayang obserbasyon 2: umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan 3: hindi batay sa nauna nang pag-aaral o pagsusuri
ménage á troi (méy•nads éy trwa) : kasunduan na magsasáma sa isang tahanan ang tatlong tao, kara-niwang mag-asawa at ang mangi-ngibig ng isa sa mag-asawa
roman à clef (ro•mán za kléy) : nobela na nagpapahiwatig ng mga pangyayari at tauhan na totoong umiiral ngunit binibigyan ng ibang pangalan sa katha