ada
adagio (a·dá·zo)
png |Mus |[ Ita ]
:
mabagal na tempo.
Adam (á·dam, éy·dam)
png |[ Ing ]
:
sa Bibliya, si Adan.
a·da·man·tí·no
pnr |[ Esp ]
:
napakatigas at hindi mababasag.
A·dán
png |[ Esp ]
:
sa Bibliya, pangalan ng kauna-unahang laláki at pinaniniwalaang ninuno ng sangkatauhan : ADAM
á·dap
png |[ Ilk ]
:
unang hakbang ng batà.
a·dap·tá·ble
pnr |[ Esp ]
1:
may kakayahang iangkop, ibagay, o iakmâ ang sarili sa bagong kalagayan o kondisyon : ADAPTABLE
2:
naiaangkop ; naibabagay ; naiaakma : ADAPTABLE
a·dap·tas·yón
png |[ Esp adaptación ]
1:
Bio
pagbabago ng organism upang higit na umangkop sa kaligiran o pangangailangan
2:
Lit Sin
pagbabago ng isang anyo tungo sa ibang anyo, gaya ng muling pagsulat sa isang nobela tungo sa isang iskrip pampelikula o ng paghalaw dito tungo sa mas maikling anyo.
a·dáp·ter
png |[ Ing ]
a·dar·gíl·ya
png |[ Esp adarguilla ]
:
maliit na adarga.
A·dár·na
png |Lit
:
maalamat na ibon na nakapagpapagalíng ng anumang sakít ang awit.
A·dás·sen
png |Ant |[ Tin ]
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tinggian.
á·daw
png |Zoo |[ Ifu ]
:
berdeng larva ng palaka, makikíta sa ilog at sapà.