agham


ag·hám

png
1:
sangay ng kaalamán na nakabatay sa obhetibong simulain na ginagamitan ng sistematikong pagmamasid at eksperimento ng bagay-bagay : SCIENCE, SIYÉNSIYÁ
2:
sistematikong kaalamán, karaniwan sa tiyak na paksa : SCIENCE, SIYÉNSIYÁ
3:
organisadong kaalamán sa isang asignatura : SCIENCE, SIYÉNSIYÁ

ag·hám

pnd |ag·ha·mín, mag-ag·hám |[ ST ]
:
kilalanin ang tunay na pagkatao ng isang tao.

ag·hám pang·ka·li·ká·san

png |[ agham pang+ka+likás+an ]
:
agham o kaalamán ng mga bagay o proseso na makikíta sa kalikasan, hal biyolohiya, pisika, na kaiba sa abstrakto o teoretikong agham, gaya ng matematika at pilosopiya : NATURAL SCIENCE

ag·hám pan·li·pu·nán

png |[ agham pang+lipunan ]
1:
pag-aaral sa lipunan at mga kilos panlipunan : SOCIAL SCIENCE
2:
agham o pag-aaral ng isang aspekto ng lipunan o isang anyo ng aktibidad sa lipunan, hal kasaysayan, sosyolohiya, ekonomiya, at katulad : SOCIAL SCIENCE