• ák•sis
    png | [ Ing axis ]
    1:
    tuwid na linya o guhit, tunay man o konsepto lámang, na iniikutan halimbawa ng isang planeta
    2:
    nakapirming guhit na sinasangguni sa pagsulat ng mga coordinate at iba pa
    3:
    katawan o punò ng kahoy
    4:
    kasunduan o alyansa ng dalawa o higit pang bansa na may iisang layunin
    5:
    gitnang bahagi ng isang organ o organismo