alab
á·lab
png
1:
[ST]
biglang siklab ng ningas o apoy
a·la·bá·ab
png |[ Ilk ]
:
úhaw na hindi napapawi.
a·la·bá·do
png |[ Esp alabar+ado ]
:
pagpupuri ; bahagi ng panalangin sa Diyos o santo.
a·la·bán·sa
png |[ Esp alabanza ]
:
pahayag ng pagpuri at paggálang bílang bahagi ng pagsampalataya Cf PÚRI3
a·lá·bas
png |[ ST ]
1:
paglundag o pagtalon sanhi ng ligaya
2:
patalim na pamputol ng talahib.
a·la·bás·tro
png |[ Esp ]
:
pinong butil ng gypsum, putî, naaaninag, at sangkap sa paggawâ ng mga pigurin, base, at katulad : ALABÁSTER
a·la·bát
png
1:
Ark
palababahan na karaniwang inilalagay sa pintuan upang magsilbing harang sa batàng nagsisimulang maglakad Cf HAKBÁNGAN2
2:
pamamaraan upang matutong lumakad ang batà sa pamamagitan ng pagkapit dito
3:
tagdan na may banderola sa tuktok.
a·la·bó
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
a·la·bríl·yo
png |Bot |[ Esp alabrillo ]
:
uri ng dapò (family Orchidaceae ) na may itim na mga guhit ang dahon.
a·la·bú·ab
pnr |[ ST ]
:
mabuhanging lupa.
a·la·bû-ab
png |[ Hil ]
:
tubig na nátirá sa sisidlan.
a·lab·wáb
png
1:
putik na malapot at madulas o anumang substance na may katulad na anyo
2:
lupang mabuhangin.
a·lab·wáb
pnr |Kar
:
pantay o lapát ang materyales.