alikbangon


a·lik·bá·ngon

png |Bot
:
maliit, masangang haláman (Commelina benghalensis ) na gumagapang, karaniwang dinidikdik ang mga dahon at butó upang ipantapal sa namamagang singit o puson : KULÁSI1 var alitbangon

a·lik·bá·ngong-la·lá·ki

png |Bot
:
yerba (Murdannia nudiflora ) na payát ang dahon, maugat ang mga sanga, at kumpol na pink at lila ang bulaklak.