alis!
a·lís
pnd |a·li·sán, a·li·sín, u·ma·lís
1:
magtúngo sa ibang pook ; lumipat ng lugar o puwesto Cf LÁYAS
a·li·sag·ság
pnr
:
tamád at pabayâ.
a·li·sek·sék
png |[ Ilk ]
:
malayòng pook.
a·lí·sig
png |[ Kal ]
:
dasal na inaawit ng mandadawak hábang minamasahe ang humahapding bahagi ng katawan ng maysakít.
a·lí·so
png |Zoo
:
isang uri ng isdang-alat (Chrysophrys auratus ) na kabílang sa family Sparidae Cf ÍSO1
a·lí·son
png
:
pagliligpit at pag-aayos ng nakakálat na mga bagay.
a·lí·sot
png |Ark |[ Kap ]
:
tinilad na kawayang nakakabit pahalang sa gilid ng magkabilâng poste ng kúbo.