alu
a·lú·ban
png |[ ST ]
:
apoy o bulusan para sa pagpapakinis ng kasangkapang metal.
a·lu·bí·ub
png |[ Ifu ]
:
basket na maluwang ang lála, isinasakbat sa magkabilâng balikat, at pinaglalagyan ng manok.
á·lu·bu·hán
png |Psd
:
buslong yarì sa kawayan at panghúli ng isda.
a·lú·gan
png |[ alog+an ]
:
balón, bukál, o pook na sinasalukan ng tubig.
a·lug·bá·ti
png |Bot |[ Hil Seb ]
:
malayerbang baging (Basella alba ) na may bulaklak na pulá o putî, at ginagamit panghalili sa espinaka sa paggawâ ng ensalada : ALUBÁTI,
GRÁNA1,
LIBÁTO,
LÓKWEY,
MALABAR SPINACH
a·lúg-og
png |[ Ilk ]
:
bákod ng haláman.
a·lu·há·non
pnr |[ War ]
:
mahiyain ; mahinà ang loob.
a·lú·kop
png |[ Ilk ]
:
pagyakap sa tao na nakahiga o sa anumang bagay na nakalapag.
a·lú·la
png
1:
[Seb]
hugis bumbong na basket, yarì sa dahon ng niyog, at naglalamán ng dalawang paniga ng lansones
2:
[Ilk]
malakíng basket na maluwang ang itaas kaysa ibabâ.
a·lu·lód
png |Ark
a·lu·lós
png
1:
[ST]
pagpapatangay sa agos ng tubig
2:
padausdos na daloy ng tubig mula sa matarik na dahilig.
a·lu·má·han
png |Zoo |[ Tag ]
:
uri ng mackerel (Rastrelligen kanagurta ) na lumalakí nang 20–35 sm, bughaw o lungti ang likod, pinilakan ang gilid ng katawan, at kabílang sa kawan ng isda kapag nanginginain sa rabaw ng dagat : LONG-JAWED MACKEREL var lumáhan
a·lum·bi·bé·ras
png |Zoo |[ Esp alumbrar+vivar ]
:
isdang-alat (Stromateus cinereus ) na pinilakan, may bátik na itim ang kaliskis, at matinik ang palikpik.
a·lum·brá·do
png |[ Esp ]
:
pag-iilaw o pagdudulot n liwanag sa pamamagitan ng ilaw o mga ilaw.
a·lu·mi·hít
png |[ ST ]
:
nakaririnding iyak at alboroto ng batà.
a·lu·mi·ná
png |Kem |[ Esp ]
:
aluminum oxide.
a·lú·mi·núm
png |Kem |[ Ing ]
:
metal na magaan, pinilakan, hindi kinakalawang, madalîng hubugin, at karaniwang ginagamit sa paggawâ ng kaserola, sasakyan, at katulad (atomic number 13, symbol Al ) : ALUMÍNYO
aluminum oxide (a·lú·mi·núm ók·sayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
likás na mineral at karaniwang matatagpuan sa bauxile at luad : ALUMINÁ
aluminum plant (a·lú·mi·núm plant)
png |Bot |[ Ing ]
:
yerba (Pilea cadierei ) na makatas at malapilak ang dahon.
a·lúm·nus
png |[ Ing Lat ]
:
dáting mag-aaral o estudyante ; alumni kung maramihan.
a·lúm-om
png |[ ST ]
1:
mabagal na pagnguya o pagkain Cf NGATÂ
2:
pagsasalitâng nagngangalit ang mga ngipin.
a·lum·pi·hít
pnr
:
namimilipit ; namamaluktot.
á·lun
png |[ Ifu ]
:
bayad na pangkasal sa babae.
a·lu·ná·pet
png |[ Ilk ]
:
mamasâ-masâ at maruming damit o kobrekama.
a·lu·ngá·ug
png |Med |[ Seb ]
:
nakaririnding pananakit ng ulo at pananamlay ng katawan sanhi ng kakulangan sa túlog o dulot ng malakas na suntok, dagok, at katulad.
a·lu·ngay·ngáy
png
:
pagkakaroon ng hindi sapat na pang-unawa.
a·lúng-ong
png
:
pagsilip sa pamamagitan ng maliit na bútas o makitid na tanawan.
a·lu·nig·níg
png
:
ang buntot o naglalahong dulo ng isang alingawngaw.
a·lú·nos
png |[ Ilk ]
1:
tao na matakaw
2:
pagpapak ng mga pagkaing hilaw o hindi luto
3:
paglulon nang marami o malakí.
A·lun·sí·na
png |Mit
:
makapangyarihang diwata sa gitnang Panay, iniwan ang bána na si Tungkung Langit.
a·lún·ta·gón
pnd |a·lún·ta·gu·nín, mag-a·lún·ta·gón |[ Hil ]
1:
ipakíta ang pagdududa
2:
patagalin ang desisyon.
á·lup
png |[ Ilk ]
:
estilo o paraan sa paggawâ ng araro.
a·lu·pág
png |Bot
a·lu·pag-a·mô
png |Bot
a·lu·pí
png |[ Hil Seb ]
:
kakaníng gawâ sa ginadgad na balinghoy o muràng mais at galapong, maaaring may gatâ o gatas, at ibinabálot sa dahon ng saging o balát ng mais.
a·lu·pí·han
png
1:
2:
Bot
palumpong (Homolocladium platycladium ) na malapad, makintab, at maliit ang lungting dahon, tíla laso ang dikit-dikit na sanga, at maliliit ang bulaklak, katutubò sa Solomon Islands at inaalagaan sa Filipinas bílang halámang ornamental : CENTIPEDE PLANT
3:
Zoo
alupíhang-dágat.
a·lu·pí·hang-dá·gat
png |Zoo |[ alupihan+ng-dagat ]
a·lu·sé·ma
png |Bot |[ Esp ]
:
palumpong (genus Lavandula ) na may mga tangkay na kulay lila at mabangong bulaklak.
a·lu·sik·sík
png
:
saliksik na nagpapatotoo o nagpapatibay.
a·lus-ós
png
:
pagganap sa trabahong sinimulan at pinagpunyagian hanggang matapos.
a·lús-u·dáng
png |[ Bik ]
:
sinunog na ípa.
a·lus·yón
png |Lit |[ Esp alusión ]
1:
patayutay o simbolikong pagtukoy
2:
hindi tuwirang pagtukoy.
a·lu·táy
png |Bot |[ Tag ]
:
malinis na hibla ng abaka, pinya, at iba pa.
a·lut-ú·tan
png |Ana |[ Ilk ]
:
bahagi ng ulo na malapit sa tainga.
a·lu·yî
png |Bot |[ Iva ]
:
haláman (Aglaia formosana ) na nabubúhay sa makapal na palumpungan.
a·lu·yô, a·lu·yó
png
:
unos sa gitna ng karagatan ngunit walang hangin.
a·lúy-oy
png
:
marahan at maindayog na tunog ng banayad na simoy.