‘s (es) 1: nása hulihán ng pang-ngalang isahan at maramihan, pangngalang parirala, panghalip, at mga salitâng hindi nagtatapos sa s o tunog ng s at nagpapahayag na nása kaukulang paari ang salita, hal man’s, men’s, baby’s, king of England’s, anyone’s 2: kontraksiyon ng is, hal He’s here 3: kontraksiyon ng does, hal What’s he do to win? 4: kontraksiyon ng has, hal He’s just gone 5: kontraksiyon ng us, hal Let’s go 6: kontraksiyon ng as, hal so’s to get there on time
disease (di•sís) 1: sakít2 2: kalagayan ng katawan o isip na hindi malusog 3: katulad na kondisyong pisikal ng mga haláman at hayop
S, s (es) 1: ikadalawampu’t isang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na es 2: ikadalawampu’t isa sa isang serye o pangkat 3: anumang bigkas na kumakatawan sa titik S o s 4: anumang may hugis S 5: pasulat o palimbag na representasyon ng S o s 6: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik S o s
-s (es) 1: pambuo ng pang-abay, hal always, needs 2: pambuo ng pandiwa sa pangatlong panauhan, isahan, at nása aktibong anyo, hal walks, prays 3: inilalagay sa hulihán at nagsasaad na nása anyong maramihan ang salita, hal boys, girls 4: tanda sa mga salitang walang tiyak na isahang anyo, hal trousers, scissors, pants, shorts, shears 5: kasu-nod ng bílang upang saklawin ang bílang sa loob ng isang dekada, hal 1990s
newcastle disease (nyu•ká•sel di•sís) : malubhang lagnat dulot ng virus at nakaaapekto sa mga ibon at manok
Alzheimer’s disease (alts•háy•merz di•zíz) : sakít sa utak na tumutukoy sa wala sa panahong pagkaulianin
ku•lí s : maliit na punongkahoy (Memecylon ovatum) na 8 m ang taas, may dahong biluhabâ, matingkad na bughaw ang bulaklak, at may kulay lilang prutas
rheumatic heart disease (ru•mát•ik hart di•sís) : pinsala sa puso, lalo na sa balbula, bunga ng rheumatic fever na nagdudulot ng pa-mamagâ sa myocardium at hindi pag-gana ng mga balbula ng puso
Sexually Transmitted Disease (séks •u•wál•i trans•mít•ed di•sís) : anumang sakít na nakukuha sa pakikipagtalik
foot and mouth disease (fút end-mawt di•sís) : mabilis makahawang sakít ng báka, baboy, at iba pa, na lumilikha ng lintos sa bunganga at sa palibot ng kukó