anggulo


áng·gu·ló

png
1:
Mat puwang sa pagitan ng dalawang guhit o rabaw na nagsasalikop sa isang sulok : ANGLE
2:
isang sulok o tulis : ANGLE
3:
direksiyon ng kinuhang larawan : ANGLE
4:
aspekto ng pagsilip o pagsuri sa isang bagay : ANGLE Cf PALAGÁY, PANANÁW

áng·gu·lóng a·gú·do

png |Mat |[ Esp angulo+Tag na Esp agudo ]
:
anggulong mababà sa 90° : ACUTE ANGLE

áng·gu·lóng ob·tú·so

png |Mat |[ Esp angulo+Tag na Esp obtuso ]
:
anggulong higit sa 90° ngunit mababà sa 180° : OBTUSE3, OBTUSE ANGLE

áng·gu·lóng rék·to

png |Mat |[ Esp angulo+Tag na Esp recto ]
:
anggulong may 90°, tulad sa isang sulok ng isang parisukat o interseksiyon sa pagkukrus ng dalawang linyang perpendikular : RIGHT ANGLE