anghel
ang·hél
png |[ Esp ángel ]
1:
isa sa siyam na uri ng tagapaglingkod na pangkaluluwa ng Diyos : ANGEL
2:
sugo ng diyos : ANGEL
3:
tao na katulad ng anghel sa kagandahan, kabaitan, at iba pa : ANGEL
4:
espiritung tagapatnubay o tagapangalaga : ANGEL
ang·hél de la gu·wár·di·yá
png |[ Esp ángel de la guardia ]
1:
anghel na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng isang tao, lalo upang makaiwas sa panganib o pagkakamali : GUARDIAN ANGEL,
HILAGYÔ4
2:
tao na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao : GUARDIAN ANGEL,
HILAGYÔ4