angi


a·ngí

png
:
amoy ng nasusunog na pagkain tulad ng sa nasusunog na sinaing : LÁNGNIS — pnr ma·a·ngí.

á·ngil

png
1:
ungol ng galít na áso : ÍNGIL
2:
pagalít na ungol ng tao na nagpapakilála ng pagtanggi o pagtutol : ÍNGIL Cf ATÚNGAL, ÚNGAL — pnd a·ngí·lan, u·má·ngil.

á·ngin

png
1:
[ST] pagpapasigla sa isang tao
2:
[ST] pagkasuya sa amoy ng pagkain
3:
Mtr [Kap] hángin.

angina (an·dyáy·na)

png |Med |[ Ing Lat ]
1:
pananakit ng dibdib dahil sa pagod at kakulangan ng dugo na umaabot sa puso : ANGHÍNA
2:
atake ng masidhing sakít sa lalamunan na nagdudulot ng paghihirap huminga : ANGHÍNA

angiogram (án·dyi·o·grám)

png |Med |[ Ing ]
:
radiograph ng mga daluyan ng dugo at lymph, isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasok ng substance na nakikíta sa X-ray.

angioma (an·dyi·ó·ma)

png |Med |[ Ing ]
:
tumor na bunga ng paglaki o pagtubò ng ugat.

angioplasty (án·dyi·o·plás·ti)

png |Med |[ Ing ]
:
pag-aayos ng napinsalang daluyan o bagong túbong ugat ng dugo sa pamamagitan ng operasyon.

angiosperm (án·dyi·os·pérm)

png |Bot |[ Ing ]
:
namumulaklak na haláman (Angiospermae).

a·ngís

png
:
amoy ng tae o nabubulok na pagkain — pnd mag-á·ngís, u·ma·ngís.

a·ngít

png |Med |[ ST ]

a·ngít

pnd |u·ma·ngít |[ ST ]
:
mag-utos nang pagalít.

a·ngí·yas

png |[ Mrw Pan ]