anib


á·nib

png |[ Kap Tag ]
1:
pag-á·nib, pa·ki·ki·á·nib pagsáma sa isang samahán o kapisanan : ÁBIN, SÁLI1, TÁG-OP
2:
pag-á·nib, pa·ki·ki·á·nib pakikiisa o pagsang-ayon sa kuro-kurò o simulain ng iba : ÁBIN — pnd i·á·nib, ma·ki·á·nib, u·má·nib
3:
[ST] balabal ng babae.

a·ni·ber·sár·yo

png |[ Esp aniversario ]
1:
petsa ng pagkaganap ng isang pangyayari sa nakalipas na isang taon : ANNIVERSARY, KASUMÁRAN, SÚMAD
2:
ang pagdiriwang nitó : ANNIVERSARY, ARAW6, KASUMÁRAN, SÚMAD Cf KAARAWÁN

a·ni·bi·yóng

png |Bot |[ ST ]

a·ní·bong

png |Bot |[ ST Seb Tag ]
:
katutubòng palma (Oncosperma tigillarium ) na tumutubòng sintaas ng niyog, matigas ang balát, ngunit malambot ang bukag ng punò.

a·ni·bó·os

png |[ Ilk ]