antig
an·tíg
png
1:
marahang bunggo
2:
pagbibigay ng mungkahi
3:
pagbibigay ng paalala — pnd an·ti·gín,
ma·an·tíg,
u·man·tíg.
antigen (an·ti·dyén)
png |[ Ing ]
:
substance na karaniwang nakasasamâ sa katawan, gaya ng lason o bakterya, at nag-uudyok sa katawan upang lumikha ng antibody.
an·tí·go
png |[ Esp antiguo ]
1:
anumang bagay na labí ng unang panahon
2:
anumang gamit o kasangkapang yarì sa unang panahon.