apostol


a·pos·tól

png |[ Esp ]
1:
sa Ebanghelyo, isa sa labindalawang pangunahing disipulo ni Cristo
2:
unang matagumpay na Kristiyanong misyonero sa isang bansa o sambayanan
3:
pinunò o namumukod tanging personahe, lalo na ng isang kilusan sa reporma
4:
mensahero o kinatawan, a·pos·to·lés kung maramihan.

a·pos·to·lá·do

png |[ Esp ]
1:
awtoridad ng Papa bílang pinunòng apostoliko ; samahán ng mga légong deboto sa misyon ng simbahang Katolika : GAWALAGÁD
2:
posisyon o kapangyarihan ng apostol ; pamumunò ng reporma : GAWALAGÁD

a·pos·tó·li·kó

pnr |[ Esp apostólico ]
1:
tumutukoy sa labindalawang apostol
2:
tumutukoy sa Papa na itinatangi bílang kahalili ni San Pedro.