ar
ar
png
:
tawag sa titik R.
á·ra
pnd |a·rá·min, mag-á·ra |[ Bik ]
:
asamin o pagnasàan.
a·ráb
pnr |[ War ]
:
sunóg na ngunit hindi pa lutô.
Á·rab
png |Ant |[ Ing ]
1:
tao na Semitiko na naninirahan sa Arabia o sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan : ARÁBE
2:
anumang may kaugnayan sa bansang Arabia : ARÁBE
a·ra·bán
png |Zoo
:
maliit hanggang malaki-laking isdang-dagat (family Antennariidae ) na may malaki at palinghadong bibig, bilóg na sapád na katawan, at palikpik pektoral na tíla siko : ANGLERFISH,
GATASÁN3,
LÁWDON,
PUNIKÓN,
TABÁNGKO
a·ra·bés·ko
png |[ Esp arabesco ]
1:
Say
sa ballet, posisyon o tindig na nakaunat ang isang paa, pahalang sa likod, nakadukwang ang katawan, at nakaunat ang dalawang kamay
2:
Sin
disenyong ornamental na gumagamit ng banghay ng mga baging, bulaklak, at bungangkahoy upang lumikha ng komplikadong padron ng mga linya
3:
Mus
maikling piyesa, karaniwang sa piyano.
Arabia (a·ráb·ya)
png |Heg |[ Esp Arabia ]
:
malakí at madisyertong tangwáy sa hilagang Asia.
Arabian Nights (a·réy·bi·yán nayts)
png |Lit |[ Ing ]
:
Mga Gabíng Arábe.
arabica (a·rá·bi·ká)
png |[ Ing ]
1:
Bot
palumpong o punongkahoy na laging-lungti (Coffea arabica ) at nagbubunga ng kapeng mataas ang kalidad
2:
kape na mula rito.
Arabic numeral (a·rá·bik nyú·mi·rál)
png |Mat |[ Ing ]
:
alinman sa mga simbolong 0,1,2,3,4,5,6,7,8,9.
a·rá·bi·ká
pnr |[ Esp arábica ]
:
may kaugnayan sa Arábe, hal gomang arabika.
Araceae (a·rey·sí·i)
png |Bot |[ Ing ]
:
family ng mga halámang tropiko (order Arales ) at karaniwang may mga bulaklak sa malamáng tumpok ng mga tinik na naiilaliman ng madahong baluti.
Arachnida (a·rák·ní·da)
png |[ Ing ]
:
isang class sa Arthropoda na may kakayahang umangkop sa búhay panlupa, kasama ang gagamba, alakdan, at kuto.
a·rá·gan
png |Bot |[ Bik Seb Ilk Pal ]
:
alga (Sargassum siliquosum ) na maaaring kaínin ng tao, tuwid, hanggang 50 sm ang taas, at kumpol-kumpol kung lumago.
á·rag-á·rag
png
:
kahong gawâ sa metal na nagdadalá ng mabibigat na bagay, may isa o dalawang gulóng sa harap at sinusuportahan ng dalawang báras sa magkabilâng gilid bílang tatangnan sa pagbuhat nitó.
a·ra·gí·rang
png |[ Bik ]
:
tuyông dahon.
a·ra·gí·tong
pnd |i·a·ra·gí·tong, mag-a·ra·gí·tong |[ Bik ]
:
tipunin ; pagsamá-samáhin.
a·rá·hit
pnd |a·ra·hí·tin, i·a·rá·hit, u·ma·rá·hit |[ Bik ]
:
pulutin ; ipunin.
a·rá·kyo
png
1:
Isp arnís
2:
Tro
bersiyon ng tibag sa Nueva Ecija.
á·ral
png
1:
3:
pag-a·á·ral pagpasok sa paaralan upang matuto : STUDY1
4:
pa·nga·ngá·ral pagdudulot ng dapat isaisip ng iba sa pamamagitan ng pabigkas at pasulát na pangungusap, hal sermon.
a·ra·lín
png |[ aral+in ]
:
a·ra·mág
png |[ Iba ]
:
ritwal kapag may namatay, karaniwang umaabot nang tatlo hanggang ilang buwan batay sa kalagayang pangkabuhayan ng pamilya var aremag
Aramaica (a·ra·má·i·ká)
png |Lgw |[ Esp ]
1:
wikang Semitic ng makalumang Syria, na ginamit bílang lingua franca sa Gitnang Silangan noong ika-6 siglo BC at napalitan ng Hebrew bílang wika ng mga Jew
2:
pinaniniwalaang wika na ginamit ni Jesus Cf ARAMÁIKÁ
A·ra·má·i·ká
png |Lgw |[ Esp Aramaica ]
:
baybay sa Tagalog ng Aramaica.
A·ra·má·i·kó
pnr |Lgw |[ Esp Aramaico ]
:
baybay sa Tagalog ng Aramáico.
a·ra·máy
png |Bot |[ Iva ]
:
haláman (Pipturus arborescens ) na nabubúhay sa mababàng bahagi ng aplaya at ipinapakain sa baboy ang mga dahon nitó : DALÚNOT
a·rám·bi·lí
pnb |[ Bik ]
:
kung hindi.
a·rang·ká·da
png |[ Esp arrancada ]
1:
biglang simula
2:
biglang andar o sibad.
a·ráng·ke
png |[ Esp arranque ]
:
simulâ1 ; pook na pagsisimulan.
a·rang·ya·bán
png |Ana |[ War ]
:
bahagi ng katawan na lumilikha ng punlay o itlog.
a·ran·sél
png |Kas |[ Esp arancel ]
1:
noong panahon ng Español, listáhan ng mga bayarín sa simbahan
2:
bayad sa adwana var aransól
a·rán·ya
png |[ Esp araña ]
1:
sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na karaniwang nakasabit sa kisame : CHANDELIER
2:
Zoo
gagambá
3:
tawag sa maluhong sasakyan, may apat na gulóng, hila ng isang kabayo, at may tábing na naibababâ kapag hindi mainit ang araw o hindi umuulan.
a·rán·yas
png |Psd |[ Esp araña+s ]
:
maraming kalawit na panghúli ng isda.
a·ra·pál
pnd |a·ra·pa·lán, mag-a·ra· pál |[ Hil ]
:
gampanan ang maraming gawain.
ar-ár
png |[ ST ]
:
pagbiyak sa tangkay ng palma para padaluyin ang tubâ.
a·rá·ro
png |Agr |[ Esp arado ]
a·ra·rú
png |[ Ing arrowroot ]
1:
Bot
palumpong (Maranta arundinacea ) na nakakain ang lamáng-ugat, ipinasok sa Filipinas mula sa tropikong America noong panahon ng Español
2:
arinang gáling dito
3:
tinapay na gawâ mula rito var uraró,
arurú,
aruró,
arurót,
urarú
ar-ar·yá
png |Mit |[ Ilk ]
:
ikaapat na kaluluwa o ang nakalayang kalu-luwa ng namatay.
á·ras
png
1:
labintatlong pirasong pilak na inihahandog ng laláki sa babae sa kanilang kasal
2:
[Tau]
banál na kaharian, ikapitóng saray ng langit na kinaluluklukan ng trono ng Diyos.
a·rá·sip
png |[ War ]
:
pagkain na gawâ sa bukag ng ilahas na palma.
a·rás·tre
png |[ Esp arrastre ]
:
buong lakas na paghila o paglilipat ng isang malakí at mabigat na bagay Cf HÁKOT
a·rát
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng damo na ginagamit sa paggawâ ng gayuma.
a·rá·ti·lés
png |Bot
:
punongkahoy (Muntingia calabura ) na tumataas nang 10 m, may putî at maliit na bulaklak, at bilóg ang bunga na animo’y mansanitas kapag hinog, at berde kung hilaw, katutubò sa tropikong America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : DÁTILÉS,
LÁTIRÉS,
MANSANÍLYA2,
RÁTILES,
SANÍTAS Cf SERÉSA2
araucaria (a·ráw·ka·rí·ya)
png |Bot |[ Ing ]
:
punongkahoy (Araucaria heterophylla ) na kauri ng laging-lungti.
á·raw
png
1:
2:
3:
init nitó — pnr ma·á·raw
5:
6:
kapanganakan o anibersaryo2
7:
panahon ng pananaig o pamamayanì
8:
A·ráw a·ráw!
pdd |[ Hil ]
:
tumangging maniwala kahit tunay ang pangyayari.
a·rá·way
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
A·raw ng Ka·gi·tí·ngan
png |[ araw ng ka+giting+an ]
:
pambansang paggunita sa kabayanihan ng mga nakipaglaban sa mga Japanese, itinaon sa araw ng pagsuko ng Corregidor at ginaganap tuwing 9 Abril.
A·raw ng Ka·sa·rín·lan
png |[ araw ng ka+sarili+an ]
:
pambansang pagdiriwang ukol sa pagpapahayag ng kalayaan ng Filipinas, dáting ginaganap tuwing 4 Hulyo, at kasalukuyang ginaganap tuwing 12 Hunyo.
A·raw ng mga Ba·yá·ni
png
:
pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng Lunes ng Agosto.