arab
a·ráb
pnr |[ War ]
:
sunóg na ngunit hindi pa lutô.
Á·rab
png |Ant |[ Ing ]
1:
tao na Semitiko na naninirahan sa Arabia o sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan : ARÁBE
2:
anumang may kaugnayan sa bansang Arabia : ARÁBE
a·ra·bán
png |Zoo
:
maliit hanggang malaki-laking isdang-dagat (family Antennariidae ) na may malaki at palinghadong bibig, bilóg na sapád na katawan, at palikpik pektoral na tíla siko : ANGLERFISH,
GATASÁN3,
LÁWDON,
PUNIKÓN,
TABÁNGKO
a·ra·bés·ko
png |[ Esp arabesco ]
1:
Say
sa ballet, posisyon o tindig na nakaunat ang isang paa, pahalang sa likod, nakadukwang ang katawan, at nakaunat ang dalawang kamay
2:
Sin
disenyong ornamental na gumagamit ng banghay ng mga baging, bulaklak, at bungangkahoy upang lumikha ng komplikadong padron ng mga linya
3:
Mus
maikling piyesa, karaniwang sa piyano.
Arabia (a·ráb·ya)
png |Heg |[ Esp Arabia ]
:
malakí at madisyertong tangwáy sa hilagang Asia.
Arabian Nights (a·réy·bi·yán nayts)
png |Lit |[ Ing ]
:
Mga Gabíng Arábe.
arabica (a·rá·bi·ká)
png |[ Ing ]
1:
Bot
palumpong o punongkahoy na laging-lungti (Coffea arabica ) at nagbubunga ng kapeng mataas ang kalidad
2:
kape na mula rito.
Arabic numeral (a·rá·bik nyú·mi·rál)
png |Mat |[ Ing ]
:
alinman sa mga simbolong 0,1,2,3,4,5,6,7,8,9.
a·rá·bi·ká
pnr |[ Esp arábica ]
:
may kaugnayan sa Arábe, hal gomang arabika.