ares


Ares (a·ríz)

png |Mit |[ Ing Gri ]
:
sa mga sinaunang Greek, diyos ng digma : MARS1

a·res·tá·do

pnr |[ Esp arrestado ]

a·rés·to

png |[ Esp arresto ]
1:
pag-a·rés·to paghúli sa isang suspek sa krimen, lalo na sa bisà ng legal na awtoridad : DAKÍP2
2:
hintô o paghinto — pnd a·rés·tu·hín, ma·a·rés·to, mag-a·rés·to.

a·rés·to ma·yor

png |Pol |[ Esp arresto mayor ]
:
panahon ng pagkabilanggo sa kulungan ng lalawigan.

a·rés·to me·nór

png |Pol |[ Esp arresto menor ]
:
panahon ng pagkabilanggo sa kulungan ng munisipyo.