arte
Ar·te·mís
png |Mit |[ Gri ]
:
sinaunang diyosa na iniuugnay sa buwan at itinuturing na mangangasong birhen ; diyosa ng buwan at birhinidad, anak ni Leto at kapatid ni Apolo Cf DIANA
arteriole (ar·tí·ri·ówl)
png |Ana |[ Ing ]
:
maliit na sanga ng malakíng ugat patúngo sa maliliit na ugat.
arteriosclerosis (ar·tí·ri·os·kle·ró·sis)
png |Med |[ Ing ]
:
pagkawala ng kakayahang mabanat at pagkapal ng dingding ng mga artery, lalo na dahil sa pagtanda ; paninigas ng mga ugat.
ar·te·rí·tis
png |Med |[ Esp ]
:
pamamagâ ng ugat.
ar·tér·ya
png |Ana |[ Esp arteriá ]
1:
Ana
tila túbo, sanga-sanga, at mamasel na lagúsan ng dugo mula sa puso túngo sa mga bahagi ng katawan : ARTERY
2:
anumang may katulad na katangian o anyo : ARTERY