atom


á·tom

png |Kem |[ Ing Gri ]
:
pinakamaliit na bahagi ng isang elementong makapag-iisa nang hindi nawawala ang mga katangiang kemikal nitó : ATÓMO

a·tóm-a·tóm

png |[ Bik ]
:
pag-uukol lámang ng pansin sa sariling ginagawâ ; hindi pakikialam sa iba.

a·to·mék

pnr |[ Pan ]

atomic bomb (á·to·mik bóm)

png |Pis |[ Ing ]
:
bómba atómiká.

atomic number (a·tó·mik nám·ber)

png |Kem |[ Ing ]
:
bílang ng mga positibong karga o proton sa nukleo ng atom ng isang elemento, samakatwid, bílang ng mga elektron na karaniwang nakapaligid sa nukleo.

a·tó·mik

pnr |[ Ing atomic ]

a·tó·mi·kó

pnr |[ Esp atómico ]
1:
may kinaláman sa o gumagamit ng enerhiyang atomiko, a·tó·mi·ká kung pambabae : ATÓMIK
2:
hinggil sa atomo : ATÓMIK
3:
napakaliit ; maliit na maliit : ATÓMIK
4:
Pil hindi maaaring analisahin : ATÓMIK

a·to·mi·sa·dór

png |[ Esp atomizador ]
:
instrumento o kasangkapang ginagamit upang maiwisik nang pinong-pino ang likido : ATOMIZER

atomism (á·to·mí·sem)

png |Heo Pil Sik |[ Ing ]

a·to·mís·mo

png |[ Esp atomo+ismo ]
1:
Pil teorya na binubuo ng napakaliit at indibidwal na bahagi ang lahat ng bagay : ATOMISM
2:
Sik teorya na binubuo ng mga saligang yunit ang kalagayan ng isip : ATOMISM
3:
Heo doktrinang nagpapaliwa-nag ng pormasyon ng mundo dahil sa pagkakatipon ng atomo : ATOMISM

atomizer (á·to·máy·zer)

png |[ Ing ]

a·tó·mo

png |Kem |[ Esp ]