- Aurora (aw•ró•ra)png | Heg:lalawigan sa Timog Katagalugan ng Filipinas, Rehiyon IV
- aurora (aw•ró•ra)png | Bot | [ Esp ]:baging (Ipomea purpurea), lungti ang dahon, at lila, bughaw, pink, o putî ang bulaklak na hugis kampana; katutubò sa Amerika
- aurora borealis (o•ró•ra bowr•i•ál•lis)png | [ Ing ]:awrora sa hilaga
- doña aurora (dón•ya aw•ró•ra)png | Bot | [ Esp ]:cultivar (Mussaenda ‘Doña Aurora’) na 4 m ang taas, malapad ang dahon na may maikling tulis sa dulo, may bulaklak na maliit na tíla túbo na bumubukad sa limang habilóg na talulot at kulay manilaw-nilaw na dalandan, isang cultivar na katutubò sa Filipinas
- aurora australis (o•ró•ra o•stréy•lis)png | [ Ing Lat ]:awrora sa timog