awto


áw·to

png |Mek |[ Esp auto ]
:
pinaikling awtomobil.

aw·to·gra·pí·ya

png |[ Esp autografía ]
1:
pagsusulat sa pamamagitan ng sariling kamay : AUTOGRAPHY
2:
tunay na kopya ng nakasulat o nakaguhit : AUTOGRAPHY

aw·tó·gra·pó

png |[ Esp autógrafo ]
1:
lagda, lalo na ng isang tanyag na tao : AUTOGRAPH
3:
manuskrito sa sulat-kamay ng awtor : AUTOGRAPH
4:
dokumentong nilagdaan ng awtor nitó : AUTOGRAPH

aw·to·krás·ya

png |Pol |[ Esp autocracia ]
1:
pamahalaang hawak ng iisang tao ang lubos na kapangyarihan : AUTOCRACY, DESPOTÍSMO2
2:
kapangyarihan ng awtokrata : AUTOCRACY, DESPOTÍSMO
3:
bansa o lipunang may ganitong uri ng pamahalaan : AUTOCRACY, DESPOTÍSMO2

aw·to·krá·ta

png |Pol |[ Esp autócrata ]

aw·tok·ra·ti·kó

pnr |[ Esp autocratico ]
:
may katangian ng awtokrata o awtokrasya : AUTOCRATIC

aw·to·mas·yón

png |[ Esp automación ]
1:
paggamit ng de-mákiná o de-koryenteng kasangkapan upang makatipid sa mental at manwal na paggawâ : AUTOMATION
2:
awtomatikong kontrol sa iba’t ibang yugto ng paggawâ ng produkto : AUTOMATION

aw·to·má·ti·kó

pnr |[ Esp automatico ]
1:
kusang kumikilos, gumagalaw, umaandar, o tumatakbo : AUTOMATIC
2:
agad-agad ; agaran at hindi na iniisip : AUTOMATIC
3:
kailangan at tiyak na magaganap : AUTOMATIC
4:
Sik ginagawâ nang wala sa loob o hindi namamalayan : AUTOMATIC
5:
sa baril, tuloy-tuloy na pumuputok hanggang maubos ang bala o hanggang maalis ang pisil sa gatilyo : AUTOMATIC
6:
Mek sa sasakyang de-motor, gumagamit ng kambiyo na kusang nagbabago ayon sa tulin at pagpapabilis : AUTOMATIC

áw·to·mó·bil

png |Mek |[ Esp automobil ]

aw·tó·no·mí·ya

png |Pol |[ Esp autonomía ]
:
sariling pamamahala : AUTONOMY

aw·tó·no·mó

pnr |Pol |[ Esp autonomo ]
2:
may kalayaan ; may kasarinlan
3:
may kinaláman sa kalayaan o awtonomiya : AUTONOMOUS

aw·top·sí·ya

png |[ Esp autopsia ]
1:
Med pagtistis at pagsusuri sa bangkay upang alamin ang sanhi ng pagkamatay : AUTOPSY
2:
anumang kritikal na pagsusuri : AUTOPSY
3:
personal na pagsusuri : AUTOPSY

aw·tór

png |Lit |[ Esp autor ]

áw·to·ri·dád

png |[ Esp autoridad ]
2:
tao o lupong may kapangyarihang pampolitika, administratibo, at katulad : AUTHORITY, MÁNDO2
3:
tao na dalubhasa sa anumang karunungan : AUTHORITY
4:
kinikilálang mahusay na sanggunian : AUTHORITY
5:
Bat bigat ng ebidensiya : AUTHORITY

aw·to·ri·sá·do

pnr |[ Esp autorizado ]
:
binigyang kapangyarihan o karapatan : AUTHORIZED

aw·to·ri·sas·yón

png |[ Esp autorización ]
:
pagbibigay ng bisà at pahintulot.

áw·to·ri·tar·ya·nís·mo

png |Pol |[ Esp autoritarianismo ]
:
paraan ng pamamahala na nagpapairal ng mahigpit na pagsunod sa gobyerno o awtoridad at sumisikil sa kalayaan ng mamamayan : AUTHORITARIANISM

aw·to·ri·tár·yo

pnr |[ Esp autoritario ]
:
may katangian ng awtoritaryanismo.

aw·to·ri·ta·tí·bo

pnr |[ Esp autoritativo ]
1:
kinikilála bílang totoo at mapananaligan ; dapat sundin o tuparin : AUTHORITATIVE
3:
ng awtoridad o ng isang dalubhasa : AUTHORITATIVE