• A, a
    png
    1:
    unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey
    2:
    una sa isang serye o kaayusan
    3:
    grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod
    4:
    pasulát o palimbag na representasyon ng A o a
    5:
    tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a
    6:
    tipo ng dugo ng tao
    7:
    a ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor b ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la c nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito d eskala o key na nakabatay sa notang ito
    8:
    sukat ng sapatos, higit na maliit sa B
    9:
    cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
  • A, a
    png
    :
    unang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na a
  • da
    png
    :
    tawag sa titik D sa abakadang Tagalog
  • Å (ey)
    symbol | Pis | [ Ing Swe ]
  • -a
    pnl | [ Esp ]
    :
    pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang pambabae, hal niña, maestra
  • da
    pnt | [ Ilk ]
  • png
    1:
    pinaikling anyo ng indâ, tawag sa ina o ale ng amá o ina
    2:
    pinaikling anyo ng tandâ o matandâ
  • sa
    pnu pnt
    1:
    ginagamit bago ang oras, hal sa ika-3 nh, sa ikatatlo ng hapon
    2:
    ginagamit bago ang pangalan ng pook, ang pinanggalíngan, at ang pinagmulan ng isang tao o bagay, hal mula sa Maynila, gáling sa unggoy, mula sa bahay, buhat sa pagkabatà
    3:
    ginagamit bago ang panga-lan ng pook, kinalalagyan, at pinangyarihan, hal ipinangangak sa Bulakan, inilagay sa bote
    4:
    ginagamit bago ang pangalan ng rehiyon, lalawigan, bayan, o pook, hal lumakí sa Visayas, tubò sa Quezon
    5:
    nagsasaad ng araw, buwan, at taon, hal sa Lunes, sa Mayo, sa taóng 2000
    6:
    [Bik Hil Seb Tag War] ginagamit bago ang pangalan ng pook at nagsasaad ng direksiyon, hal táyo sa Iloilo, táyo sa Maynila
    7:
    [Hil Tag] ginagamit bago ang panghalip at nagsasaad ng táong kasáma, hal sumabay sa akin, sumáma sa kaniya
    8:
    ginaga-mit bago ang salitâng may at nagsa-saad ng nalalapit na pook, petsa, oras, o panahon, hal sa may Pebrero, sa may tulay
    9:
    ikinakabit sa kay upang mabuo ang kaysa na nagsasaad ng paghahambing, hal Magalíng kaysa iyo, Mabait kaysa iba
    10:
    ikinakabit sa na upang mabuo ang nása na ginagamit sa pagsasaad ng kinaroroonan at lokasyon, hal nása bahay, nása akin, nása loob
    11:
    sumusunod sa para o ukol upang mabuo ang para sa o ukol sa na nagsaad kung kanino nakalaan ang isang bagay, hal “para sa akin” o “ukol sa akin”, “para sa lahat” o “ukol sa lahat”
  • sa-
    pnl
    :
    pambuo ng pang-abay at pang uri, kinakabitan ng hulaping -an, at nagsasaad ng paraan, hal sápilitan
  • sa
    png
    :
    tawag sa letrang s sa alpabetong Tagalog
  • sa
    pnl
    1:
    pambuo ng pang-abay sa unahan ng pandiwang panghinaha-rap at nangangahulugan ng hindi inaasahang pagkakasabay sa isang pangyayari, hal sa dáratíng silá nang kami’y paalis na
    2:
    ginagamit bago ang pangalan, karaniwang sumusunod sa may, at nagsasaad ng katangian ng sinumang tinutukoy, hal may sa-demonyo, may sa-pagong
    3:
    pambuo ng salita at nangangahulugang “sa pamamagitan ng”, hal sa lakásan, sa bilísan, sa palakíhan, sa pagandahan
  • da
    pnh | [ Ilk Kap Pan ]
  • -sa-
    pnl
    1:
    pambuo ng isa , at nagsasaad ng pagsasaalang-alang at paglalagay sa isang bagay, hal isaisantabi, isaisip, isapuso
    2:
    pambuo ng magsa- at nagpapahayag ng aktibong gamit ng isa-, hal magsaalang-alang, magsai-santabi, magsaisip, magsapuso
    3:
    pambuo ng magsa- at nagpapahayag ng paggaya at pagganap sa tungkulin ng iba, hal magsamayaman, magsa-hayop, magsapari
    4:
    pambuo ng pasa- at nagpapahayag ng pagpunta o paglipat sa isang pook, hal pasa-Iloilo, pasa-Maynila, pasabundok
  • A!
    pdd
    :
    bulalas ng alinlangan o paghinto sa sasabihin
  • sa
    pnt | [ Bik ]
  • lí•ban sa
    pnu | [ Kap Tag ]
    :
    nanganga-hulugang hindi kasáma o hiwalay at ginagamit bago ang pangalan ng isang pook, bagay, at iba pa
  • tu•ngód sa
    pnu
    :
    ukol sa; hinggil sa.
  • bu•kód sa
    pnu
    :
    dagdag sa
  • bi•ta•mí•na A
    png | BioK | [ Esp vitamina ]
    :
    alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata
  • a tém•po
    pnb pnr | Mus | [ Ita ]
    :
    sa nauna o sinundang tempo
  • et á (Lat et alii o et alia)
    daglat
    :
    at iba pa
  • a gó•go
    pnb | [ Ing ]
    :
    hanggang gusto mo; hanggang sa ikasisiya mo
  • A bientôt! (a byang•tó)
    pdd | [ Fre ]
    :
    Paalam!; Hanggang sa muling pagkikíta!
  • ma•lí•ban sa
    pnu | [ ma+liban sa ]
    :
    líban sa
  • dag•dág sa
    pnu | [ Bik Hil Ilk Kap Mag Tag War ]
    :
    nangangahulugang kasáma at ginagamit bago ang pangalan ng isang pook, bagay, at iba pa
  • hing•gíl sa
    pnt
    :
    tungkol sa; tungod sa.
  • a deux (a du)
    pnr pnb | [ Fre ]
    :
    para sa dalawa lámang
  • a priori (a•pra•ór•i)
    pnr | [ Lat ]
    1:
    mula sa dahilan túngo sa epekto; mula sa isang pangkaraniwang batas túngo sa partikular na pangyayari at balido kahit walang batayang obserbasyon
    2:
    umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan
    3:
    hindi batay sa nauna nang pag-aaral o pagsusuri
  • A bomb (ey bamb)
    png | [ Ing ]
    :
    bomba atomika
  • A battery (ey bá•te•rí)
    png | Ele | [ Ing ]
    :
    bateryang elektrikal na nagpapainit ng filament o ng túbong elektron
  • á•yon sa
    pnb
    :
    varyant ng sang-ayon
  • a for•ti•ó•ri
    pnr pnb | [ Lat ]
    :
    para sa higit na matibay na katwiran; batay sa mga katunayan
  • Bat•sil•yér sa Arte
    png | [ Esp bachiller en arte ]
    1:
    titulo na iginagawad sa nagtapos ng pag-aaral sa agham panlipunan o humanidades
    2:
    tao na may ganitong titulo
  • la•rô sa sa•li•tá
    png | Lit
  • Sa a•bâ mo!
    pdd
    :
    Kaawaan ka!
  • Sa a•bâ nin•yo
    pdd | [ ST ]
    :
    Kaawaan kayó!
  • sú•man sa í•bos
    png
    :
    suman na gawâ sa galapong at gata na ibinálot sa dahon ng bule
  • Sa a•bâ ko!
    pdd
    :
    Kaawaan ako!
  • ta•là sa tí•mog
    png | Asn
    :
    pinakama-ningning na talà sa konstelasyong Orion
  • vis à vis (ví•za•ví)
    pnt | [ Fre Ing ]
    1:
    kaugnay ng; kompara sa
    2:
    kasalungat ng; kaharap ng
  • shake a leg (syeyk a leg)
    pnd | Kol | [ Ing ]
    1:
    magsimulang magsayaw
  • ventre à terre (vén•tre a ter)
    pnb | [ Fre Ing ]
  • óm•bos a ka•ká•yon
    png | [ Mrw ]
    :
    bu-laklak ng abaka
  • Ha•rì sa Bú•kid
    png | Mit
    :
    diyos na naka-tirá sa Bulkang Kanlaon.
  • ménage á troi (méy•nads éy trwa)
    png | [ Fre ]
    :
    kasunduan na magsasáma sa isang tahanan ang tatlong tao, kara-niwang mag-asawa at ang mangi-ngibig ng isa sa mag-asawa
  • Bat•sil•yér sa Si•yén•si•yá
    png | [ Esp bachiller en ciencia ]
    1:
    titulo na iginagawad para sa nagtapos ng pag-aaral sa agham pangkalikasan, purong agham, o teknolohiya
    2:
    tao na may ganitong titulo
  • roman à clef (ro•mán za kléy)
    png | Lit | [ Fre ]
    :
    nobela na nagpapahiwatig ng mga pangyayari at tauhan na totoong umiiral ngunit binibigyan ng ibang pangalan sa katha
  • Dok•to•rá•do sa Pi•lo•so•pí•ya
    png | [ Esp Tag doctorado+ sa+ filosofia ]
    :
    Doctor of Philosophy
  • sú•man sa li•hi•yá
    png | [ Tag suman sa+Esp lejia ]
    :
    suman na gawâ sa káning malagkit, ibinalot sa abo ng kulitis at ibinabalot nang pasapád at parihabâ sa dahon at sakâ itinatalìng magkayakap ang bawat dalawang piraso
  • son of a bitch
    png | Alp | [ Ing ]
    :
    anak ng puta
  • regular at peryodikong pagkakaa-yos ng mga atom, ion, o molecule sa isang solidong kristalina.
    png | Bot
    :
    uri ng saging