A, a
- 1:
- unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey
- 2:
- una sa isang serye o kaayusan
- 3:
- grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod
- 4:
- pasulát o palimbag na representasyon ng A o a
- 5:
- tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a
- 6:
- tipo ng dugo ng tao
- 7:
- a
- ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor
- b
- ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la
- c
- nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito
- d
- eskala o key na nakabatay sa notang ito
- 8:
- sukat ng sapatos, higit na maliit sa B
- 9:
- cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.