unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey
2:
una sa isang serye o kaayusan
3:
grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod
4:
pasulát o palimbag na representasyon ng A o a
5:
tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a
6:
tipo ng dugo ng tao
7:
a
ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor
b
ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la
c
nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito
d
eskala o key na nakabatay sa notang ito
8:
sukat ng sapatos, higit na maliit sa B
9:
cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
A!
:
bulalas ng alinlangan o paghinto sa sasabihin
a tém•po
:
sa nauna o sinundang tempo
A bientôt! (a byang•tó)
:
Paalam!; Hanggang sa muling pagkikíta!
a deux (a du)
:
para sa dalawa lámang
a gó•go
:
hanggang gusto mo; hanggang sa ikasisiya mo
et á (Lat et alii o et alia)
:
at iba pa
a priori (a•pra•ór•i)
1:
mula sa dahilan túngo sa epekto; mula sa isang pangkaraniwang batas túngo sa partikular na pangyayari at balido kahit walang batayang obserbasyon
2:
umiiral sa isip bago at bukod sa karanasan
3:
hindi batay sa nauna nang pag-aaral o pagsusuri
A battery (ey bá•te•rí)
:
bateryang elektrikal na nagpapainit ng filament o ng túbong elektron
bi•ta•mí•na A
:
alkohol na solidong terpene, natutunaw sa tabâ at matatagpuan sa lungti at dilaw na gulay, pulá ng itlog, at katulad, mahalaga sa paglakí, at nagpapalinaw ng mata
a for•ti•ó•ri
:
para sa higit na matibay na katwiran; batay sa mga katunayan