baboy


bá·boy

png |[ Bik Hil Ilk Mag Seb ST ]
1:
Zoo hayop (family Suidae ) na kumakain ng kahit ano, may maikling nguso, at karaniwang inaalagaan para kainin : BABÌ, BÁBUY, BABÚY1, BAVI, COCHINO, HOG1, ORÍG1, PIG, SÉRDO, SWINE1, TSÁKAW
2:
Alp tao na salaula : SWINE1

bá·boy

pnr

bá·boy-ba·bú·yan

png |Zoo |[ baboy baboy+an ]
1:
ibon (Coracina striata ) na may makapal at malagông balahibo sa pigi at lumilikha ng ingay na katulad ng baboy : ALIYÁKYAK, BÁLAW2, CUCKOO-SHRIKE, KANIYÁKYAK, KARIYÁKYAK
2:
[ST] insekto na karaniwang lumalaki sa ilalim ng malalaking tapayan, pinaniniwalaang gamot sa pigsa.

bá·boy-damó

png |Zoo |[ baboy+damo ]
:
ilahas na baboy (Sus scrofa ) na magaspang ang balahibo at karaniwang kulay itim : ALÍNGO, BÁBOY-GÚBÁT1, BINÁTONG, BÚKAL, TARÓKTOK, WILD BOAR var baboy-ramo Cf DALÁMA2

bá·boy-gú·bat

png |[ báboy+gúbat ]
2:
Bot isang uri ng punongkahoy.