bakya


bak·yâ

png
1:
[Chi] sapin sa paa na yarì sa kahoy ang tapakan : KAMMADÁNG, PANTUKÓS, SAKWÁ2, SUWÉKOS1
2:
Bot yerba (Dieffenbachia amoena ) na malakí at malapad ang matingkad na lungting dahon
3:
[ST] dalawang kahoy na ipinuwestong tíla ekis para paglagyan ng iihawing usa o baboy.

bak·yâ

pnr |Alp Kol
1:
popular ngunit mababàng uri
2:
kulang sa pinag-aralan.

bak·yá·no

png |[ Seb ]

bak·yás

png |Heo |[ Pan ]

bak·yáw

png
1:
[ST] tubig na naiiwan sa mga daan sa libis
2:
Bot [Pan] pagsahíngin.