balag
ba·la·ga·ngò
png |Bot
:
punongkahoy (Melia dubia ) na mayabong ang dahon at napagkukunan ng matibay na tabla : MALUNGGÁYAN
ba·la·ga·ták
png |[ Seb ]
:
varyant ng balakátak1
ba·la·gá·tak
png |Zoo
:
uri ng pambihirang ibon na malakas humuni.
ba·lág·bag
png |[ ST ]
:
pagbagtas ng anumang bagay.
ba·lag·bá·gan
png |Zoo |[ Ilk Pan Tag ]
:
patíng (Sphyrna zygaena ) na lapad ang nguso at may ulong hugis malyete o martilyo at karaniwang humahabà nang 4.8 m : ÁWAL2,
BINGKÚNGÁN1,
BUNTÓK MARTÍLYO,
HAMMERHEAD,
KAITANKÚNGAN,
KRÚ-SAN,
KURÓSAN,
KURÓS NA PATÍNG,
PAMINGKÚNGIN,
ROS,
SARÍKAN,
TAMBÚGAN
ba·la·gi·ít
png
:
malakas na hangin.
ba·la·gíng
png |[ ST ]
:
pagtugon o pagsunod sa kung sino ang kausap.
ba·lá·git
png |Mus |[ Dum ]
:
uri ng awit.
ba·la·gó·bang
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng ibon na may lakíng 15 sm, mga pakpak na patulis at mahabà, tukâng kurbada at mas mahabà pa sa ulo nitó, may balahibong kulay dilaw, lungtian, at pulá, at kumakain ng bubuyog.
Ba·lag·tás
png |Kas Lit
:
taguri o bansag kay Francisco Baltazar.
ba·lag·tá·san
png |Lit |[ balagtas+an ]
ba·lág·wit
pnr
:
pasan sa magkabilâng dulo ng pinggá — pnd ba·lag· wí·tin,
mag·ba·lág·wit.