balana


ba·la·ná

png |[ ST ]
:
pagbago ng isang gawain.

ba·la·nà

png
:
pagpapanumbalik ng init at sigla.

ba·la·nâ

png
1:
gulay hindi pa gaanong luto
2:
Bot uri ng baging sa gubat
3:
[Hil] lámat.

bá·la·ná

pnh |[ bála+na ]
:
sinumán ; anumán ; alinmán.

ba·lá·nak

png |Zoo
1:
[Kap Pan] isdang-alat (Liza vaigiensis ) na kahawig ng bangus
2:
[Bik Seb] bának.

ba·la·ná·kan

png
1:
Zoo ahas na lapad ; matulis at matalim ang buntot at ulo
2:
[ST] kasuotang pang-ilalim.

ba·la·ná·kon

pnr |Med |[ Bik ]

ba·lá·nan

png
:
maliit na basket na nilalagyan ng isda Cf BUSLÔ

ba·la·náy

png |[ Hil ]
:
banayad na sinag ng buwan.

ba·la·ná·yo

png |[ ST ]
:
lihim na hinala.