- bál•bu•lápng | Mek | [ Esp valvula ]1:kasangkapang maayos na nagpapadaloy ng likido o gas sa isang lagusan at nagtatakda sa daloy nitó túngo sa iisang direksiyon lámang2:mahimaymay na bahagi ng isang organ na tumitiyak na dumadaloy ang dugo sa iisang direksiyon lámang3:kagamitan na nagbabago ng habà ng túbo sa isang tansong intrumentong pangmusika4:isa sa dalawang takupis ng talaba, tahong, at katulad