balik


ba·lík

png |pag·ba·ba·lík |[ Ilk Kap Mag Pan Tag ]
1:
pagtúngo sa pinanggalingan
2:
pag-uulit sa isang gawain, gaya ng balík-áral, balik-surì
3:
pagbibigay ng bagong búhay, lakas, pag-asa, at katulad, gaya sa pagbabalik ng malay o pagbabalik ng dáting anyo — pnd ba·li·kán, bu·ma·lík, mag·ba·lík.

ba·li·kád

pnr |[ War ]

ba·lí·ka·ká

pnd |[ Hil ]
:
ibuka ang mga paa ; ibuyangyang.

ba·li·kang·káng

png |[ Ilk ]

ba·lík-á·ral

png
:
muling pag-aaral sa dáting aralin, karaniwan, bílang paghahanda sa pagsusulit : REPÁSO, REVIEW3

ba·li·ka·ráp

png |Bot

ba·li·ka·ró

png
1:
Med balát na magaspang at namumutî, sanhi ng gasgas o sakít sa balát
2:
Ana balát na may nakatayông balahibo dulot ng lamig, pagkagulat, at iba pa Cf KILÁBOT

ba·li·kás

png
1:
[Seb] alimurá
2:
[Pan] sábi1

ba·lí·ka·si·yáw

png |Zoo
:
uri ng ibon (Dicrurus balicacius ) na halos itim ang kulay, mahabà ang buntot at matibay ang tuka, at kumakain ng insekto : BALIÁWIT, DRÓNGO, SUNODAMÒ

ba·li·kas·kás

png |[ ST ]
1:
pagbabalát nang buong hinahon : BALIKOSKÓS
2:

ba·lí·kat

pnd |ba·lí·ka·tin, bu·má· li·kat, i·sa·ba·lí·kat
:
ubos-káyang tupdin ang tungkulin o gawain.

ba·lí·kat

png |[ Kap Tag ]
1:
Ana bahagi ng katawan ng tao o hayop sa magkabilâng panig ng leeg na kina-uugnayan ng dalawang bisig : ABÁGA, PAGÓ, SÚGBONG, SHOULDER1, TAKÉB2, WÁGA2
2:
Zoo sa hayop, itaas ng unaháng paa ng baboy, tupa, at iba pa
3:
habà ng lupa na malapit sa sementadong daánan ng sasakyan
4:
bahagi ng kasuotan na tumatakip sa balikat
5:
anumang bagay na kahawig ng hubog ng balikat, gaya sa balikat ng bote at bundok.

ba·li·ká·ta

png |Mus |[ Ted ]
:
awit sa pag-aayos ng hidwaan.

bá·li·ka·tán

pnd |i·bá·li·ka·tán, mag·bá·li·ka·tán
:
magtulungan sa gawain.

ba·li·ká·ut

pnr |[ ST ]
:
matigas ang ulo at walang sinusunod kundi ang sariling nais.

ba·li·káw

png
1:
Mek roskas ng tornilyo : BALIKAWKÁW, BALIKÚ, KILLÓ, NILÚBIR
2:
paikid na anyo, gaya ng ikid ng lubid.

ba·li·káw

pnr
:
may anyo ng sunod-sunod at tíla umiikot na kurba, gaya ng corkscrew at dulo ng balíbol : TUÍS Cf SPIRAL

ba·li·ka·wáng

png |Ana |[ Hil ]

ba·li·kaw·káw

png |[ ST ]

ba·li·káy

png |[ Mar ]

bá·lik-bá·lik

png |Bot |[ Tag ]

ba·lik·bá·yan

png |[ balík+báyan ]
:
tao na umuwi o dumalaw sa pinagmulang bayan o bansa.

ba·li·kéng

png |[ Bon ]
:
bilóg na basket, parisukat ang puwit, may kahoy na salalayan, at ginagamit na sisidlan ng kamote, kanin, gulay, at katulad.

ba·lik·ha·ráp

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng damó.

ba·lík·haw

png |Ana |[ Hil Seb ]

ba·lik·háy

png |[ Hil ]

ba·lik·hú·say

png |[ Seb ]
:
muling paglilitis.

ba·lik·lo·ób

png |[ ST ]
:
panunumbalik o pagbabago ng isip tungo sa mabuti o sa masama.

ba·li·kô

pnr |[ Seb Tag ]

ba·li·kóg

pnr |[ Seb ]

ba·li·ko·kò

png |[ ST ]
:
pag-awit na pinalalabas sa lalamunan.

ba·li·ko·kô

png |[ ST ]
:
pagbalukot sa pakò o tagâ.

ba·li·ko·kót

png |[ ST ]
:
pagpapasabi sa iba’t ibang tao.

ba·li·kóng·kong

png |Mus |[ ST ]
:
awit hábang namamangka.

ba·li·kos·kós

png |[ ST ]

ba·li·kot·kót

png |[ ST ]
:
pagsusuri o muling pagsusuri upang malaman ang isang bagay.

ba·lik·sáy·say

png |Lit |[ Seb balik+ saysay ]
:
paraan ng pagkukuwento na nauunang ilahad ang mga pangwakas na pangyayari Cf IN MEDIAS RES, FLASHBACK

ba·li·kû

png |Mek |[ Kap ]

ba·li·ku·kô

pnr
:
baluktot ang dulo : BALUNGKÍT, PINGSÓL

ba·li·kú·kot

png
:
pasalin-salin na paghahatid ng mensahe — pnd ba·li·ku·kú·tin, i·ba·li·kú·kot, mag·ba·li·kú·kot.

ba·li·kup·kúp

png |Bot |[ Hil Seb War ]

ba·li·kus·kós

png |Say |[ ST ]
:
uri ng sinaunang sayaw ng mga Tagalog, at pagsayaw alinsunod sa kanilang paraan ng pagsayaw nitó.

ba·li·kus·kús

png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, buhol na ginagawâ sa kumot na gagamitin bílang palda.

ba·li·kut·kót

png
:
pag-uusisa o paghalikwat sa bagay-bagay nang may matutuhan o maláman.

ba·li·kut·kót

pnr |[ Ilk Tag ]

ba·li·kut·sá

png |[ Mex melcocha ]
:
bagkát1 var balkutsá

ba·lik·wás

png |[ Kap Tag ]
1:
biglang pagpihit sa kabilâng panig
2:
biglaang pagbangon mula sa pagtulog : BALIGWÁS, BALIKÁY, BALIKWÁT, BALINTÓK, BARINGKUWÁS, BUNGKÁLAS, TIMBAKWÁS

ba·lik·wát

png |[ Pan ST ]