• á•ral
    png
    1:
    pag-iisip upang matutuhan o maláman ang isang bagay
    2:
    kabutihang mapupulot o matututuhan
    3:
    pagpasok sa paaralan upang matuto
    4:
    pagdudulot ng dapat isaisip ng iba sa pamamagitan ng pabigkas at pasulát na pangungusap, hal sermon
  • ba•lík
    png | [ Ilk Kap Mag Pan Tag ]
    1:
    pagtúngo sa pinanggalingan
    2:
    pag-uulit sa isang gawain, gaya ng balík-áral, balik-surì
    3:
    pagbibigay ng bagong búhay, lakas, pag-asa, at katulad, gaya sa pagbabalik ng malay o pagbabalik ng dáting anyo