box (baks) 1: kahón1 2: maliit at laging-lungti na punong-kahoy (Buxus sempervirens) sa Europa na ginagamit noon ang kahoy para sa mga instrumentong pangmusika 3: katulad na punongkahoy (Casearia praecox) , na matatagpuan sa tropikong Amerika at may kahoy na pumalit sa mga gamit ng box Europeo
secret ballot (sí•krit bá•lot) : halálan na líhim ang pagsasagawâ ng boto hal pagboto sa pamamagitan ng balota
Pan•do•ra’s box (pan•dó•ras baks) : kahon na pinagtipunan ng lahat ng kasamaan na maaaring sumira sa sangkatauhan, ipinagkati-wala kay Pandora at natukso namang buksan ng hulí, kayâ kumalat ang kasamaan sa daigdig.
box office (baks ó•fis) 1: opisina ng dulaan o katulad na pinagbibilhan ng mga tiket 2: a Tro pinagbilhan ng mga tiket para sa isang dula o katulad na palabas b popular na palabas na mayroong nagbabayad na manonood at kumikíta